Patricia Javier blames poverty for Basag-Kotse incident

IMAGE Arniel Serato

Patricia Javier after being victimized by Bukas-Kotse Gang: "I believe na maraming tao ang talagang nagugutom tulad ng mga tao na gumawa ng krimen na ito sa akin, harap-harapan na walang takot magnakaw."


"Okay naman ako."

Ito ang sagot ni Patricia Javier nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), dalawang araw matapos na maging biktima ng Basag-Kotse gang ang singer-actress.


Stories We Are Tracking

Patricia Javier falls victim to Basag-Kotse Gang in Antipolo
Patricia Javier falls victim to Basag-Kotse Gang in Antipolo

Ikinalungkot ni Patricia ang nangyari pero umiral pa rin ang kabutihan at ang pagiging positive thinker niya, kahit nawala ang kanyang necklace na may sentimental value, bag, pera, at wallet na naglalaman ng mga importanteng cards.

Sa kabila ng malungkot na karanasan ni Patricia, naniniwala siyang kahirapan at gutom ang dahilan kaya nakagagawa ng krimen ang mga taong nangangailangan na para sa kanya ay dapat tulungan.

"I believe na maraming tao ang talagang nagugutom tulad ng mga tao na gumawa ng krimen na ito sa akin, harap-harapan na walang takot magnakaw.

"Sana po, mabigyan pa ng chance na matulungan natin na magkaroon ng mabuting trabaho ang ating mga kapwa Pilipino para hindi po sila nakakagawa ng mali.

"Kaya nananawagan ako to my fellowmen to share your blessings, give more care and love to each other.

"Our government cannot do all these things, we need to help each other to grow so we can have a better country.

"Now I’m not sad because I lost my valuable things, I’m sad kung hindi po tayo magtutulungan, walang mangyayaring mabuti sa ating bayan.

"Let’s build our nation with love and compassion for one another," ang apela ni Patricia sa lahat.

May sagot din si Patricia sa mga nagtatanong kung bakit niya iniwan sa loob ng sasakyan ang kanyang bag at alahas.

Paliwanag niya, "Nasa harap po ako ng car ko na lima hanggang walong hakbang lang papunta sa table kung saan ako nakaupo sa restaurant.

"Umupo ako mismo sa bintana na may glass para nakikita ko talaga ang car ko.

"Iniwan ko ang bag ko, nagdala lang ako ng cash para pambayad sa kakainin namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maraming nagtatanong bakit ko iniwan ang bag ko sa loob ng car.

"Dahil po sa pag-iisip ko na mas safe doon at dahil nakikita ko naman na malapit sa kinauupuan ko.

"Kung sa malayo po ako nag-park, I will bring it with me."

Malaki ang pasasalamat ni Patricia sa Diyos na nagbigay sa kanya ng proteksiyon kaya hindi siya sinaktan ng mga suspect.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN