Anne Curtis reacts to "publicity" comment about charity work

IMAGE @annecurtissmith on Instagram

Anne Curtis to netizens questioning her efforts to help charitable institutions: "At least may ginagawa kami. Hindi nganga and puro complaining on social media instread of actually doing something."


Pagdating sa kanyang mga kawanggawa, tila hindi hahayaan ni Anne Curtis na mahaluan ito ng anumang negatibong pananaw.

Katulad na lamang nang mag-post siya tungkol sa bagong proyekto niya para sa UNICEF, na matagal na niyang sinusuportahan—ang “Change for Good.”

Habang nasa flight pabalik ng Manila galing Cagayan de Oro, lumibot sa loob ng eroplano si Anne upang nangolekta ng spare change mula sa mga kapwa pasahero.

Ani Anne, “I was able to collect 3 full bags! Salamat sa Lahat ng passengers and thank you for renewing this program with us! I truly hope this becomes a LIFETIME partnership!”

Sa kabila ng pagiging positibo ng post niya, may ilang netizens na tila kinuwestiyon ang ipinakita ang mga nagbigay ng kanilang barya kay Anne.

Sabi ni Instagram user @iamtoni1995, “Pag artista for sure laging malaki halaga binibigay ng mga tao pero pag ordinary ewan ko nalang.

“D naman sa nagiging harsh ako or may binabangga akong tao. Im just being honest.”

Sumang-ayon naman dito ang user na si @pinayilonggainny.

Aniya, “I was going to comment on here that how about Anne just give her own money to help UNICEF?

“Instead of going around collecting money from low income citizens?

“Tsk tsk... Can't help but think that these act of 'kindness' that celebrities do is all for publicity... SMH.”


Sagot dito ni Anne, “With all due respect madam, trust me, I do my own part and donate from my own pocket on many other different occasions to UNICEF and my own foundation Dream Machine.”

Ipinaliwanag ng aktres ang role niya sa bagong programa ng UNICEF.

“BUT for this specific project, the main goal is using where I am to INSPIRE others to do good and donate the loose change—ONLY IF THEY CAN.”

Pagkatapos nito ay muli niyang ipinaliwanag ang magiging tulong ng anumang makukolekta ng proyektong “Change for Good.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Anne, “This program along has raised 40 million person and has helped children all over the Philippines.

“So, yes, I am proud to be part of a project that is making a difference in this world and will continue to use all my social media platforms to raise awareness and help inspire other to make a difference in the world and help our fellow countrymen.”

Diin pa niya, “At least may ginagawa kami. Hindi nganga and puro complaining on social media instread of actually doing something.”

Sa huli, inudyok din ni Anne ang nagkomento na magbahagi ng kanyang mga barya kung sakaling makasakay siya sa Cebu Pacific.

“Sana po if you wanna get the chance to fly Cebu Pacific pag asa Pinas po kayo, mag donate din po kayo.

“Kung hindi nakakahiya sa inyo.

“And I, thank you. Sending love & light to you madam!”




ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN