Thea Tolentino cries foul over alleged video scandal: "Hindi ako yon."

IMAGE Instagram

Thea Tolentino reacts to her alleged video scandal: "Grabe. Daming bastos. Di ako naaapektuhan pero napapagod kasi ang social media accounts ko sa inyo."


Inalmahan ni Thea Tolentino, 21, ang maling balita tungkol sa diumano’y video scandal niya.

Sa pamamagitan ng Facebook post, ipinaalam ng Kapuso actress na walang katotohanan ang kumakalat sa social media na siya diumano ang babae sa isang video scandal.

“HINDI AKO YON,” mariing sabi ni Thea.

“Bahala kayo kung maniniwala kayo sakin or not, wala akong pakialam.

“Grabe. Daming bastos.

“Di ako naaapektuhan pero napapagod kasi ang social media accounts ko sa inyo.”

Kasunod nito ay nakiusap si Thea na huwag abalahin ang kanyang pamilya at mga kaibigan tungkol sa isyung ito.

Aniya, “AT sa mga nakakaalam ng Facebook accounts ng mga magulang ko, kapatid, kamag-anak, friends, etc, huwag niyo na sila imessage o bulabugin tungkol dito dahil stressed na sila sa mga bagay bagay sa buhay, pati ako tapos dadagdagan pa ng mga nagkakalat ng mga false informations. GET A LIFE.

“Thank you. May God bless you all.”

"DON'T PRAY FOR ME." Samantala, sa huling Twitter posts ni Thea, muli niyang sinabi na hindi siya maaapektuhan kung ipagpipilitan ng mga tao na siya ang nasabing video.

Sa halip, mas naaapektuhan pa siya dahil sa ginagawang pambubulabog ng mga tao sa kanyang mga magulang at kapamilya.

Sabi ni Thea, "Matagal na kong gumiveup na kumausap ng mga taong makikitid ang utak dahil kahit ano namang sabihin sakanila, may ibabato silang mga salita na hindi naman pinagisipan."

Sinagot din niya ang isang Twitter user na nagsabing, "Let's just pray for them Thea."

Tugon ng Kapuso actress, "No. Dont pray for me. Sa ibang araw niyo na ako ipag pray.

"Mas kailangan natin ipagpray ngayon ang mga taong walang ginagawang makabuluhan sa buhay nila."


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN