Rina Navarro now accused of the same thing she is accusing Ara Mina of

IMAGE Courtesy: Gina Magat Facebook / Noel Orsal / Rina Navarro Facebook

Gina Magat (left) comes out to tell how Rina Navarro (right) allegedly stole her ex-fiancé from her, the same thing that Rina is now accusing actress Ara Mina (center) of. "Ang dating parang naagawan, awang-awa siya…. Yung every day para siyang namamatay? That was the same feeling I had nung ginawa niya sa akin yun," says Gina about Rina.


“I admit, until now, I have nothing but hatred for that woman.”

Ito ang pahayag sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ni Gina Magat tungkol kay Rina Navarro.

Si Rina, miyembro ng Cinema Evaluation Board at political strategist ni Francis Tolentino, ang nag-aakusang inagawan diumano ng fiancé ng aktres na si Ara Mina.

Ano ang kaugnayan ni Gina, center manager ng isang IT school sa bansa, sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Rina at Ara?

Ayon kay Gina, limang taon na ang nakalilipas, inagawan din siya ng fiancé ni Rina.

GINA'S CONFESSION. Nagsimula ito nang pumutok ang isyu tungkol diumano sa pagkakatuklas ni Rina na may relasyon ang kanyang fiancé na si Undersecretary Dave Almarinez, president at CEO ng Philippine International Trading Corporation, sa aktres at kanyang kaibigan na si Ara.


Stories We Are Tracking

Ara Mina denies alleged affair with a government official
Ara Mina denies alleged affair with a government official
Ara accused of having an affair with a government official
Ara accused of having an affair with a government official

June 11, 2018, nagpadala ng private message si Gina sa Facebook page ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dito ay sinabi niyang parehong-pareho ang nangyari kay Rina sa ginawa nito sa kanya limang taon na ang nakalilipas.

Ito ang buong mensaheng natanggap namin mula kay Gina:

“What happened to Rina Navarro was the same scenario I had 5 years ago.

“That girl, Rina, had an affair with my fiancé and just gave birth that time.

“I guess Karma is slowly consuming her.

“Tell her to stop acting like a victim.

“Her IG post was moving, but it won’t erase the fact that she did the same way to me like Ara Mina. Just sharing.”


Sa pamamagitan ng ilang konsultasyon at pakikipag-usap, personal na nakapanayam ng PEP.ph si Gina sa isang restaurant sa Quezon City nitong Martes ng gabi, July 3.

Bakit siya lumabas ngayon? Ano ang nag-udyok sa kanya upang humarap sa media at ikuwento ang ginawa sa kanya ni Rina?

Tugon ni Gina, “Yung nakikita ko yung mga articles at mga interviews, yun nga, nanggigigil ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang, di ba... siyang-siyang yun, e, yung mga ibinibintang niya, siya yun, e."

Sabi pa ni Gina, "Alam mo, kahit magharap kami, takot [siya] sa akin, swear.

“So, parang naiinis lang ako na, 'Paano ka makakapagsalita ng ganyan, e, ginawa mo nga iyan sa akin, e.'

"Pero walang nakakaalam. Walang nakaalam."


THE CONFRONTATION IN 2013. Sa unang bahagi ng aming panayam, inusisa namin kay Gina ang nangyari sa kanila ni Rina noong 2013.

Lahad niya, “E, kasi, nangyari muna yung incident before kami naging magkaibigan, e. That was 2013.

"Yung ex-fiancé ko was meeting Rina for business purposes.

“But later on, I found out that they were having an affair when I accidentally saw them in Gerry’s Grill, ABS-CBN.

“They were having dinner and there was a little confrontation, but not scandalous.”

Nangyari raw ito noong October 2013 at malinaw pa raw sa kanyang isipan ang insidente.

“So, pinuntahan ko sila dun, then I met her.

"And then I started talking, ganito na pala, I thought they were there for a meeting.

“'Tapos they were denying, e. Rina was denying na… I saw them na…

“They were having a meeting about business.

"That was the time na she was planning on making a movie or a short film about her late husband."

Patuloy ni Gina, “And then, yun, pinuntahan ko sila dun sa resto.

"And then, sabi ko dun sa ex ko, ‘Akala ko magmi-meeting ka about office, about work?’

“'Tapos, I asked her na, ‘Is this a meeting?’

"'I noticed then na ang close nila. 'Tapos parang may physical contact, like, nag-lean sa balikat siya [Rina].

"'Tapos the way they talked, sobrang close yung face nila, kasi magkatabi sila.

"'Tapos sabi niya, ‘We’re just friends.’ Gumanun siya, ‘We’re just close.’

“Then, after that, I left na rin, 'tapos she left. Sabay kami umalis nung resto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then, after that incident, she texted me and said, yung ginawa ko raw was uncalled for.

“So, parang ako pa yung mali na nahuli ko sila. Parang kasalanan ko pa kung nahuli ko sila.

"Then, after days or weeks, she started texting me again, parang nakikipagkaibigan siya.

“Pini-friend niya ako… ano pala, to know my plans. To know about what’s happening in our house.

“Kung saan ako pupunta, kasi minsan inaaya pa niya ako, e, ‘Let’s watch a movie’ or ‘Let’s go to a bazaar.’

“Yung mga ganyan.”

Patuloy na lahad ni Gina, “That was the first meeting. Then, after that nga, she began texting me.

“'Tapos we even met sa Greenhills. Nagkita pa kami sa Greenhills nga, e, kasi medyo ano na kami, e...

"Siguro my fault was medyo naging ano na ako sa kanya, na I even started making kuwento sa kanya na kung ano yung ginagawa ko sa bahay.

“Kasi, she keeps on asking, e. E, yun pala, sinasabi niya dun sa fiancé ko yung mga sinasabi ko.

"Kasi itong si fiancé, di na rin kami nag-uusap that time, e. Di na rin siya umuuwi sa bahay."

Ayon kay Gina, nagsasama na sila noon ng kanyang ex-fiancé kahit hindi pa sila kasal. 

Mayroon din silang isang anak, na noon ay three months old pa lang.

THE BREAKUP. Tatlong taon daw silang naging magkarelasyon ng kanyang fiancé na vice president ng isang kumpanya noon.

Magpapakasal na ba sila dapat?

Tugon ni Gina, “Yes, supposedly.”

Ano ang nangyari at hindi natuloy?

Lahad niya, “Yeah, naghiwalay kami for a while.

"Umalis siya ng house, 'tapos I found out that they were renting a condo in Quezon City together.

“'Tapos, after a few months, the guy came back din naman sa bahay.

"Then, yun nga, he realized daw na wala naman daw yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero itong isa," pagtukoy niya kay Rina, "email pa rin nang email."

Sabi pa ni Gina, "Email nang email, like, nagsi-send ng mga links, mga vacation links papuntang Boracay, yung mga ganun.

"Actually, parang email yung communication nila that time."

Walang text?

Ayon kay Gina, “Text, I don’t know... baka makita ko. I know the passcode kasi that time.

“Actually, passcode was very ano pa... actually I don’t have any idea kung ano yung passcode, as in hinulaan ko lang.

"Ano kasi, parang lumalapit sa akin yung mga proofs without even asking kung ano yung…

"Wala akong source, kasi wala kaming personal o common friend ni girl..."

Bakit siya pumayag na makipagbalikan sa kanyang fiancé?

Sagot ni Gina, “Maybe because of the child.”

Pero hindi raw roon natapos ang pakikipag-communicate ni Rina sa kanyang ex-fiancé.

“Ayun, she keeps on texting pa din. Nagti-text pa din… nagsi-send siya ng mga pictures niya.

"Pictures nung bata... because my ex-fiancé was one of the ninongs nung binyag nung son niya.”

Naunang maging ninong ng kanyang anak kaysa maging karelasyon ni Rina ang ex-fiancé ni Gina.

Ayon kay Gina, “Kasi buhay pa yung late husband, e, that time, which is boss nga ng late husband yung ex- fiancé ko.”

Ang late husband na tinutukoy ni Gina ay ang dating asawa ni Rina.

Patuloy niya, “Meron pa iyang time na nag-email pa siya sa ex ko, e, pero together pa kami nun.

"Pero mga two years ago lang din ito.

“Nag-email siya na gusto niyang makipagkita dun sa ex ko. Because of the confirmation nung son sa school. Kailangan daw yung mga ninong.

"So, since I have access dun sa email ng ex ko, so ako ang sumagot. Hindi alam ng ex ko.

"Sabi ko sa kanya, ‘E, bakit siya lang ba ang ninong? E, isa lang naman ang kailangan sa kumpil. E, di kontakin mo yung ibang ninong tutal diyan ka magaling.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ginanun ko na siya, inaway ko na din siya sa text.

"Sabi ko, 'If you keep on… If you will bother us, makakarining ka na talaga sa akin.'"

Taong 2016 raw naghiwalay si Gina at ang kanyang ex-fiancé.

Hindi raw niya alam kung nagkabalikan ang kanyang ex-fiancé at si Rina.

FAST FORWARD TO 2018. Nilinaw ni Gina sa PEP.ph na matagal na siyang naka-move on sa hiwalayan nila ng kanyang fiancé, pero hindi raw niya makakalimutan ang ginawa ni Rina sa kanya.

Ano ang naging reaksiyon niya nang malaman ang balita tungkol kay Rina na diumano'y naagawan daw ni Ara ng fiancé?

Walang paliguy-ligoy niyang sagot, “Karma. Oo, karma.

"Parang kung di ko man siya nakarma before, pero slowly, ito na.

“Parang gusto ko sabihin, 'E, yun ang ginawa mo sa akin dati. So, anong karapatan mong mag-play as a victim diyan ngayon when gawain mo iyan?'

“Ginawa din niya, same scenario—may anak din sila, may baby din sila. Ako, anak ko, three months, di ba?

“Actually, sinabihan ko pa siya before na parang, ‘Hindi mo ba alam kung ano yung feeling nang mawalan ng loved one?’

“Kasi biyuda siya, e. Kasi ito ginagawa niya sa [taong] may family.

“I have all the proof, e, kasi nag-usap kami.”

Bakit siya nagpadala ng mensahe sa PEP.ph? Ano ang nag-udyok sa kanyang isiwalat ang kanyang kuwento?

Pahayag ni Gina, “When I saw the article about her, biglang nag-flashback sa akin.

“Well, I admit, until now, I have nothing but hatred for that woman.

"As in ano, kasi yung effect niya before sa buhay ko, sobra. Sobra.

“Lahat naapektuhan, e.

"Yun yung bagay na hindi mo makakalimutan kasi she never asked for forgiveness. Wala e, parang ano pa siya...

“Ang dating parang naagawan, awang-awa siya…

“Yung every day para siyang namamatay? That was the same feeling I had nung ginawa niya sa akin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano yung ikinagalit niya sa mga naging pahayag ni Rina?

Tugon ni Gina, “Kasi, parang she’s using God pa sa mga posts niya. Yung mga Biblical verses na pinu-post niya.

"'Tapos she would say na parang she wanted to get the sympathy of the people na makakanood nung interview at makakabasa nung article, na parang aping-api siya. Na parang siya yung victim dito sa pangyayari.

"When in fact, ganun din yung ginawa niya five years ago."

Hindi raw natatakot si Gina na i-bash o balikan ng mga sumusuporta kay Rina.

Paliwanag niya, “Siguro, I’m in the position to talk. Kasi ako lang yung nakakaalam ng totoo, e, and her.

“Hindi naman kasi, I think, nasa tamang side naman ako.

"And I'm just expressing my right as a woman."

Paano kung pabulaanan ni Rina ang kanyang mga alegasyon?

Buwelta ni Gina, “Baligtarin? Magharap kami?

"She cannot deny the fact na magkakilala kami. Kasi, we used to text, we had a picture together.

"So, may mga proofs na we really know each other."


Gina Magat and Rina Navarro five years ago

Karamihan sa mga naglalahad ng kanilang mga kuwento ay sinasabihang may motibo.

May motibo ba siya kaya siya nagpapa-interview?  

Sagot ni Gina, “For this? I have nothing to gain from this.

"Ang gusto ko lang, ma-prove na karma works pala. Hindi man noon, pero ngayon.”

Ayon pa kay Gina, nagpadala siya ng mensahe sa Viber ni Rina noong lumabas na ang kanyang interviews.

Ano ang sabi niya sa kanyang mensahe?

“Tini-text ko yun, e, na ano, ‘Stop the drama,’ sa Viber, wala, seen lang.

"'Stop the drama.' Kasi kung ano, puwede niyang sagutin, alam niya number ko, e.

“Wala, e, deadma lang siya.”

Bakit ang tapang niya sa kanyang mga rebelasyon?

Sagot ni Gina, “Ako yung victim, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron ba siyang mensahe kay Rina? Maiksi niyang mensahe, “Magbago ka na.”

Nakikipag-ugnayan na ang PEP.ph sa kampo ni Rina Navarro upang kunin ang kanyang panig sa mga naging pahayag ni Gina Magat.

Agad naming ilalathala ang kanyang pahayag kapag nakuha na namin ito.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN