Kris Aquino stands by Gilas Pilipinas in brawl with Boomers: "Ang mga Pinoy hindi nang-iiwan ng kapwa Pinoy."

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino remains supportive of Gilas Pilipinas. She says, "The team is suffering enough, and they have given so much effort for our country.... Wag naman sanang mabura ng ilang minuto sa isang gabi ang lahat ng magagandang alaala nung mga panahon na dahil sa #GILAS naging taas noo tayo."


Hati ang opinyon ng mga Pinoy sa naganap na rambulan sa pagitan ng koponan ng Pilipinas at ng Australia sa FIBA World Qualifier sa Philippine Arena noong Lunes ng gabi, July 2.

May ilang hindi natuwa sa inasal ng mga manlalaro ng Gilas Pilipinas matapos magkainitan sa loob ng basketball court.

Mayroon din namang nanatili ang matibay na suporta para sa Pinoy basketball players.


Stories We Are Tracking

Gary, Bianca, Karen, other celebs react to
Gary, Bianca, Karen, other celebs react to "basketbrawl"
Vice tweets amid Gilas-Boomers brawl; Romeo blasts critics
Vice tweets amid Gilas-Boomers brawl; Romeo blasts critics
Netizens react to Pingris's
Netizens react to Pingris's "selfie muna bago ma-eject" post

Isa sa mga nagbigay suporta sa Gilas players ay si Kris Aquino.

Idinaan niya ang kanyang opinyon tungkol sa isyu sa pamamagitan ng Instagram ngayong Martes, July 4.

Ayon kay Kris, ilang beses niyang pinanood ang naganap na gulo sa gitna ng laban ng Pilipinas kontra Australia habang nasa daan patungo sa isang shoot sa Bataan.

Aniya, “I saw that the GILAS brawl against AU was all over the news.

“I read some of the critical comments, and i felt compelled to make a stand...

“I don’t claim to be close to them, but @coachot [Chot Reyes, head coach of Gilas Pilipinas] has been kind to me.

“I’ve seen Coach Jong [Uichico, Gilas Pilipinas deputy coach] at the Meralco Chapel, but i’ve never met @tbvrome07 [Terrence Romeo].

“But we did watch what transpired over & over again, even in slow-mo...”

Sa palagay ng TV host/actress/celebrity influence, marapat lamang na patuloy na suportahan ang Gilas Pilipinas dahil sa mga ginawa nila para sa bansa.

Katuwiran niya, “The team is suffering enough, and they have given so much effort for our country.

“Hindi ba natin sila pwedeng damayan at suportahan ngayon na kailangan nilang maramdaman na ang mga Pinoy hindi nang-iiwan ng kapwa Pinoy?

“Wag naman sanang mabura ng ilang minuto sa isang gabi ang lahat ng magagandang alaala nung mga panahon na dahil sa #GILAS naging taas noo tayo.”

Sa kabila ng pangyayari, sinabi pa ni Kris sa huli na, “Kung pipili lang ako ng coach & teammates sa kahit na anong mabigat na trabaho, sa nakita kong #unity  #bayanihan nila—sila ang pagdarasal kong maging kakampi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

There was a time this quote gave me the strength to stay strong despite the negativity. “Do not judge. You do not know the storm I have asked her to walk through.” It was a more than 3 hour roadtrip to get to my Bataan location for later’s morning shoot- i saw that the GILAS brawl against ???????? was all over the news. I read some of the critical comments, and i felt compelled to make a stand... i don’t claim to be close to them, but @coachot has been kind to me, i’ve seen Coach Jong at the Meralco Chapel, but i’ve never met @tbvrome07... But we did watch what transpired over & over again, even in slow-mo... The team is suffering enough, and they have given so much effort for our country. Hindi ba natin sila pwedeng damayan at suportahan ngayon na kailangan nilang maramdaman na ang mga Pinoy hindi nang-iiwan ng kapwa Pinoy? Wag naman sanang mabura ng ilang minuto sa isang gabi ang lahat ng magagandang alaala nung mga panahon na dahil sa #GILAS naging taas noo tayo. (P.S. kung pipili lang ako ng coach & teammates sa kahit na anong mabigat na trabaho, sa nakita kong #unity & #bayanihan nila- sila ang pagdarasal kong maging kakampi.” ????????

A post shared by kris aquino (@krisaquino) on

Isang Instagram user naman ang kumontra sa sinabi Kris.

Sabi ni @paulandrewtan, “The footages are clear. To tolerate such behavior would only bring more damage to the image of our country as a whole.

“They represent our country and yes, they make us proud.

“They are our role models. That is why we deserve better than what transpired out of their actions.

“The smart thing to do is accept that we did wrong and should apologize for the unruly behaviour our players exhibited.

“This isn't the time to raise our flag and shout for unity or #PinoyPride.

“To many we are wrong. We should learn how to own up to our mistakes.”

Bilang tugon, binanggit naman ni Kris ang naging pahayag ni Coach Jong Uichico tungkol sa pangyayari.

Ani Kris, “Very clear yung apology ni Coach Jong.”


Sa pamamagitan ng Twitter, sinabi ng deputy coach ng Gilas Pilipinas, “Tonight, my emotions got the better of me like a father who cares about his sons.

“That does not excuse my actions and I apologize to everyone as in hindsight I should have not gotten involved.

“This is a painful but maybe necessary lesson for me.”

ON OTHER ISSUES. Samantala, dahil sa pagbibigay ni Kris ng kanyang opinyon sa naganap na rambol sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Boomers, isang Instagram user ang nagpahayag ng pagtataka kung bakit tila tahimik si Kris sa ibang isyu—katulad ng pang-iinsulto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos.

Sabi ni @venezia1011, “While I applaud you for making a this stand, just curious why the silence when Duterte insulted abd made a mockery of God—the very same God that you believe in and have very strong faith on. It was all over the news, too. You courage should have mattered more!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot naman ni Kris, “You don't have to directly confront in order to make a stand—but you can speak of your FAITH & how much being God's loing follower has shaped your life...

“Sometimes your message is clearer when you choose speaking of the good that God has done in your life rather than pointing out the shortcomings of others...”



Isa pang user ang nagpaliwanag kung bakit hindi nagsalita si Kris, “Bcoz she never interferes with politics and she never did that for what being criticized again by duterte warriors? @krisaquino never compromise her faith with anybody its one mans opinion about GOD, what she emphatize now is about compassion of being a true Filipino.”

Dagdag na paliwanag naman ni Kris, “Mahirap mangialam sa religious or non religious beliefs of others. Because for me—whatever your faith is—it is the acceptance of Jesus as your Savior & Redeemer. A very personal relationship between you & your Maker—and how you live your life & share His blessings will be the proof of your faith.”



ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN