Rina Navarro accuser admits sending message of support to Ara Mina

IMAGE Arniel Serato / Courtesy: Rina Navarro on Facebook / Arniel Serato

Inamin ni Gina Magat (kaliwa) na nagpadala siya ng mensahe ng suporta kay Ara Mina (kanan). Pero hindi raw siya manghihimasok sa problema nila ni Rina Navarro (gitna), kung saan inakusahan nito ang aktres na nang-agaw raw ng kanyang fiancé.


Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Rina Navarro tungkol sa akusasyon ni Gina Magat na inagaw raw nito ang kanyang ex-fiancé noong 2013.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gina na lumabas kahapon, June 4, inilahad niya kung paano raw pinursige ni Rina na maagaw sa kanya ang fiancé at ama ng kanyang anak.

Ito ang kaparehong sitwasyon na inaakusa naman ni Rina, miyembro ng Cinema Evaluation Board at film producer, sa aktres na si Ara Mina.

Diumano, inagaw ni Ara ang kanyang fiancé na si Undersecretary Dave Almarinez, president at CEO ng Philippine International Trading Corporation, kung saan mayroon siyang isang anak.


Stories We Are Tracking

Rina now accused of the same thing she is accusing Ara of
Rina now accused of the same thing she is accusing Ara of
Ara accused of having an affair with a government official
Ara accused of having an affair with a government official
Rina Navarro to Ara Mina:
Rina Navarro to Ara Mina: "I hope masaya ka sa nagawa mo."

OWN BATTLE. Sa panayam ng PEP.ph kay Gina, inamin niyang nagpadala siya ng mensahe ng suporta kay Ara.

Ibinahagi rin daw niya sa aktres ang kanyang hindi magandang karanasan kay Rina may limang taon na ang nakararaan.

Saad ng IT school executive, “I sent her a DM [direct messaging] through Instagram.

"Then, yun, ikinuwento ko sa kanya yung nangyari sa amin ni Rina before.”

Bakit kaya siya nagpadala ng mensahe sa aktres?

Paliwanag ni Gina, “Kasi I feel sorry for her [Ara], kasi ginagawan siya ng issue, e.

"'Tapos ganun pa yung ipinapakita niya [Rina] sa interviews na parang aping-api siya."

Pero hindi raw siya nanghihimasok sa alitan nina Rina at Ara dahil iba raw ang away nila ng una.

“Siguro, between her and Ara, it’s for them to settle. I want to stay out of their issue.

“Kasi, this is my personal issue. This is my personal opinion about her.

“So, for that matter, sila na lang yung mag-aayos nun [away nila].”

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ni Rina Navarro tungkol sa mga pahayag laban sa kanya ni Gina Magat.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN