Gilas players Terrence Romeo, Gabe Norwood thank Kris Aquino for support

IMAGE @tbvrome07 and @krisquino on Instagram / photo grabbed from Sports5

Terrence Romeo (left) and Gabe Norwood (right) of Gilas Pilipinas express their gratitude to Kris Aquino (center) after expressing her support to the national team following the brawl with Australia at the FIBA World Cup qualifier.


Nagpasalamat ang Gilas Pilipinas players na sina Terrence Romeo at Gabe Norwood kay Kris Aquino.

Ito ay dahil sa pagpapahayag ng suporta ng TV host-actress sa Gilas players sa gitna ng pinag-uusapang "basketbrawl" sa pagitan ng Pilipinas at Australia sa 2019 FIBA World Cup qualifier na ginanap sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan, noong Lunes, July 2.

Bahagi ng mensahe ni Kris sa kanyang Instagram post noong Miyerkules, July 4:

“Hindi ba natin sila pwedeng damayan at suportahan ngayon na kailangan nilang maramdaman na ang mga Pinoy hindi nang-iiwan ng kapwa Pinoy?”


Stories We Are Tracking

Kris Aquino stands by Gilas Pilipinas in brawl with Boomers
Kris Aquino stands by Gilas Pilipinas in brawl with Boomers
Gary, Bianca, Karen, other celebs react to
Gary, Bianca, Karen, other celebs react to "basketbrawl"
Netizens react to Pingris's
Netizens react to Pingris's "selfie muna bago ma-eject" post
Australian sports anchor calls Gilas players
Australian sports anchor calls Gilas players "imbeciles"

“THANK YOU, KRIS.” Sa comments section, nagkomento sina Terrence at Gabe upang pasalamatan si Kris.

Mensahe ni Terrence, “Thank you for your support mam!”

Sagot naman dito ni Kris, “you had the courage to apologize BUT you also stood up for your beliefs… kaya nga si Bimb ilang beses kong sinabihan na di kakayanin ngn puso ko ang team sport—kasi kung saktan sya o sipain—war freak mode na ko. Kaya sinabi ko, swimming or marathon running na lang. #nanay.”


Una nang nag-tweet si Terrence, na dating naugnay kay Vice Ganda, na pinaninindigan niya ang pagsali sa away upang ipagtanggol ang mga ka-teammate laban sa Australian team.


Stories We Are Tracking

Vice tweets amid Gilas-Boomers brawl; Romeo blasts critics
Vice tweets amid Gilas-Boomers brawl; Romeo blasts critics

Sumagot din si Kris kay Gabe na nag-message din sa kanya.

Sabi ni Kris, “you deserved it. I stand w/ those who leave no man behind.”



ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN