WATCH: Kim Chiu "died for like 5 minutes" after getting noticed by Shawn Mendes

IMAGE @chinitaprincess/@shawnmendes on Instagram

Kim Chiu's reaction after being noticed by Canadian singer Shawn Mendes: "I died for like 5 minutes!!!"


Bagamat itinuturing na isang sikat na artista si Kim Chiu, madalas ay lumalabas pa rin ang pagka-fan girl niya lalo na sa international celebrities.

Ang pinakahuling pagkakataong sobrang ikinatuwa ng Kapamilya star ay nang pansinin siya ng Canadian singer-songwriter na si Shawn Mendes.

Sa IG Live session ng “Youth” singer kamakailan, isa si Kim sa fans na nanood at nagtanong.

Tanong ni Kim (@chinitaprincess) kay Shawn: “Have you been to the Philippines?”

Nakita ito ni Shawn at sumagot ng: “I have been to the Philippines.”


Isa ang Pilipinas sa mga pinuntahan ni Shawn para sa kanyang Illuminate album tour noong 2017.

Sa katunayan, bumista pa ang singer sa Tagaytay City, Taal Volcano, at Balete Falls sa Amadeo, Cavite para sa isang maiksing bakasyon bago ang concert

A post shared by Shawn Mendes (@shawnmendes) on

The boys in The Philippines!

A post shared by Shawn Mendes (@shawnmendes) on

A post shared by Shawn Mendes (@shawnmendes) on

Samantala, hindi rito natapos ang kilig ni Kim dahil napansin din ni Shawn ang mga sumunod niyang messages, katulad ng pagsabi ng “hi” sa Philippines, na labis na ikinakilig ng aktres.

Sabi ni Kim sa kanyang Instagram Story: “OMG!!! @shawnmendes answered my questions in his IG LIVE!!!! I die!!!!!!”



Kasunod nito ay nag-request si Kim na tugtugin ni Shawn ang hit song nitong “Treat You Better,” na agad naman pinagbigyan ng singer.


Ipinost din ni Kim ang kanyang sobrang katuwaan matapos ang pagpansin sa kanya ni Shawn, kung saan makikita siyang tumatalon sa sobrang tuwa.

Sabi pa ng akres sa kanyang caption, “I died for like 5 minutes!!!”

Panoorin ang video rito:


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN