Carla Abellana admits wedding plans with Tom Rodriguez: "In terms of date, wala pa."

IMAGE INstagram

Carla Abellana on wedding plans with Tom Rodriguez: "We are doing our best to prepare ourselves na kami na. Once naman po na ikasal na kami, wala naman na pong atrasan, wala na pong bawian. Andun na po kami sa paghahanda, dun sa sine-secure na po namin lahat ng dapat i-secure."


Napag-uusapan na raw ng magkasintahang Carla Abellana at Tom Rodriguez ang posibilidad na lumagay sa tahimik.

Kung si Carla raw ang masusunod, ang gusto niya ay bago mag-35 ay may asawa't anak na siya.

Saad ng 32-year-old Kapuso actress, “Opo naman, siyempre kasi kahit papa'no ilang years na rin po kami. 

"Hindi naman po talaga maiiwasan na di mapag-usapan.

"Kaya nga po kayo nag-e-enter into a relationship kasi hindi naman iyan laru-laro.

"Siyempre may goal po ang bawat isa na, eventually, magtatagal po kayo, na kayo na talaga, na wala nang iba.

"So, napag uusapan na po namin kahit papa'no."

Ngunit wala pa naman daw silang konkretong mga detalye.

"May plans na po, pero in terms of date, wala pa po honestly."

Patuloy ni Carla, "Pero alam na po namin na hindi na kami bumabata.

"Pareho na kaming nasa 30-plus, na kumbaga, lahat ng paghahanda ginagawa na po namin—financially, mentally, emotionally... ginagawa na po namin.

"We are doing our best to prepare ourselves na kami na.

"Once naman po na ikasal na kami, wala naman na pong atrasan, wala na pong bawian.

"Andun na po kami sa paghahanda, dun sa sine-secure na po namin lahat ng dapat i-secure.

"Para ready na ready na po talaga kami."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla nang mag-guest siya sa DZBB 594 radio program na Walang Siyesta noong June 28.

ON MOTHERHOOD AND RAISING A FAMILY. Naglabas din ng saloobin si Carla pagdating sa pagbubuntis at pagbuo ng pamilya.

If ever, gaano na kahanda si Carla na maging isang ina? 

Tugon niya, "Ang mga doctors po, honestly, dahil nga nasa 30s na ako, lagi po silang nagpapaalala na huwag masyadong matanda [magbuntis]. Dahil mas risky para sa isang babae."

Ilang anak ba ang gusto nila ni Tom?

"Ako, honestly, masaya na po ako  sa dalawang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkaroon lang po ako ng dalawang anak, masaya na po ako. Girl and boy ideally.

"Pero kung ano naman po ang ibigay ni Lord sa amin, siyempre more than enough na yun, basta healthy yung baby.

"Ang importante ay kayanin ko po and maging healthy yung baby." 

At what age niya gustong magkaroon ng sariling pamilya?

"Hopefully, huwag naman po sanang abutin ng 35 na di pa rin po ako nagkakaroon ng family.

"Kasi mas mahirap na po talaga once you’ve reached 35, risky na po talaga ang pagbubuntis at panganganak.

"Sana hopefully, mga five years or less than five years, may family na po ako.”

Nakikita raw ni Carla ang sarili bilang isang istrikto at disciplinarian na mommy sa hinaharap.

“Siguro parang istrikto, pero yung istrikto na hindi rin naman nakakatiis. Hahaha!

"Ganun po kasi ako, e, whether sa pamangkin ko o sa mga alaga kong aso, istrikto po ako, very disciplinarian ang dating.

"Siguro dahil nakuha ko na rin po yung naging pagpapalaki sa akin ng lola ko. Gusto ko rin po magaya yun.

"Pero dahil mahal mo, hindi mo rin sila matitiis.

"Yung mga pamangkin ko, mga nai-spoil ko iyang mga iyan. 

"Yung mga aso ko po, kahit bawal sa kanila yung pagkain, napapakain ko po kasi di ko matiis.

"Strict at disciplinarian ako pero bumibigay din naman.”

FAMILY OVER CAREER? Gano ka-ready si Carla magka-family of her own?

“Siguro ano po, in the near future, definitely.

"Ibibigay naman po iyan ni Lord sa tamang oras o panahon na gusto Niya.

"Pero sa ngayon, honestly, mas prina-prioritize ko po yung bahay, yung dream home ko na maipatayo ko po siya.

"Nandun na ako sa proseso kung saan ko po ipapatayo.

"'Tapos once na may sarili na po akong bahay, yung dream home ko, puwede na po akong mag-build ng family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefully, mauna muna yung bahay bago sa family.

"Pero family, hopefully, in the next five years."

Is she willing to give up showbiz para kanyang pamilya?

Sagot ni Carla, “Kung nagagawa naman po ng iba na pagsabayin yung pag-aartista at pamilya, kakayanin ko rin naman po.

"Kumbaga, lahat naman po ng nagse-settle down, nagpapakasal, at nagkakaroon ng sariling family, nakikita niyo naman talaga na mas prina-prioritize nila ang family nila.

"Which is dapat naman po, kasi dapat laging family first, family over work. Mas inuuna po talaga ang pamilya.

"Pero nagagawa naman po ng iba na mag-raise ng family nila and kahit papa'no nakakaarte po sila, lumalabas pa din po sila sa TV at sa mga pelikula.

"Ganun lang din po, I guess kung ganun ang plan ni Lord para sa akin, kung susuwertehin, maitutuloy ko pa rin yung career ko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN