Thea Tolentino look-alike denies being the woman in video scandal

IMAGE Facebook / Instagram

Model Kaki Mosh (left), who bears a resemblance to Kapuso actress Thea Tolentino (right), warns people spreading the video and false accusations: "Para sa mga mapanirang-puri, make sure to think before you click."


Isang babaeng nagngangalang Kaki Mosh ang nadawit sa isyu ng video scandal na ikinakabit sa Kapuso actress na si Thea Tolentino.

Ang nasabing babae ay may hawig kay Thea, at may mga nagsasabing siya diumano ang babae sa video.

Dahil naging viral ang video, posibleng naghanap ang ilang netizens ng kamukha ni Thea para patunayang hindi ang aktres ang nasa video.

At ang nakita ng mga itong may malaking pagkakahawig sa aktres ay si Kaki.

Nauna nang itinanggi ni Thea na siya ang babae sa video scandal.


Stories We Are Tracking

Thea Tolentino cries foul over alleged video scandal
Thea Tolentino cries foul over alleged video scandal

Sa tweet ni Thea kunsaan idiniin niyang hindi siya ang babae sa video, may isang Twitter user ang nag-post ng isang screenshot ng Facebook status ni Kaki.

Base sa profile ni Kaki, isa siyang "freelance model-artist."

Sa post ng modelo kahapon, July 4, itinanggi rin niyang siya ang babae sa video.

Ayon kay Kaki, "Okay, I'll clear this up.

"Fake accounts, masasakit na salita at panghuhusga ang natanggap ko kahit ni katiting wala akong kinalaman sa mga ibinabato sakin at parang sure na sure pa sila na 101% na ako yung nasa vid."

Giit pa niya, "Uulitin ko HINDI AKO YUN.

"Gusto kong magsalita ng masasakit but I'm not gonna put my level down on you and it all just happened na never kong inexpect dahil nananahimik ako.

"Sobra na po."

Naghain na rin daw siya ng reklamo ukol dito. Idadaan daw niya sa tamang proseso ang isyung ito.

"I filed a complaint and will let the right process na mabigay ung consequence ng ginawa nila.

"You guys know who you are. Di ako papayag sa paninirang puri na ginawa niyo sakin."

Patuloy pa ng kanyang post, "Thank you po sa lahat ng kaibigan, relatives at mga taong nakakakilala at naniniwala sakin.

"Ps. Para sa mga mapanirang puri, make sure to think before you click. Think before you speak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hope this will serve you a lesson. #NoToCyberBullying #NBI #CyberCrime"

Ang mensahe ng pagtanggi ni Kaki ay galing sa kanyang Facebook account na may parehong username o account name.

Makikita sa unang status ni Kaki, na nai-post noong July 3, ang mariin niyang pagtanggi sa pagkakasangkot sa video scandal.

Aniya, “Lilinawin ko lang po sa lahat ng inaakalang ako yung nasa vid na kumakalat, hindi po ako yun. Kahawig ko lang. Pakitignan po maigi ang pagkakaiba. Nananahimik po ako.” 


Maraming FB accounts ang nakapangalan kay Kaki. Tatlo sa kategoryang Pages at ang dalawa ay sa People.

Tanging sa People lang may totoong account ang modelo kung saan makikitang mayroon siyang photos at friends. 

Dito rin niya ipinost ang denial ukol sa nasabing scandal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN