FDCP Chair Liza Diño criticized for wearing face mask in a meeting

IMAGE Courtesy: Liza Dino-Seguerra on Facebook

Dinepensahan ni FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra ang sarili laban sa mga pumuna sa pagsusuot niya ng face mask sa meeting kasama ang kanyangf staff. Ayon sa kanya, staged photo lang ito.


Pinag-uusapan ngayon sa social media ang Facebook posts ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño-Seguerra kung saan nakasuot siya ng face mask habang nakikipag-meeting.

Nakalagay sa caption ng post ni Liza: "'Multitasking' while discussing the last agenda of the day. Si Jo Andrew, hindi makatingin. hehehe.”

Makikita naman sa time stamp na ito ay bandang 1:23 na ng madaling-araw.

Sa kasunod niyang post, bandang 1:31 ng madaling-araw, makikitang tatlo na lamang sila sa meeting.

Sabi ni Liza sa caption, “Love often wears a mask in order to test loyalty. #matiramatibay.”

Nagsimula ang meeting ni Liza at ng kanyang staff bandang Lunes ng tanghali, July 2.

Pero inabot na ito ng madaling-araw kinabukasan.

UNPROFESSIONAL? May ilang netizens ang hindi nagustuhan ang posts na ito ni Liza.

Sabi ng Twitter user na si @MiaMagdalena, "Ganito magpameeting si madam. She says it’s multitasking. I call it unprofessional."

Sagot naman ni Senator Ping Lacson sa post ng netizen, "Baka multimasking din. Mukhang makapal."

Sabi naman ng isang nakakaalam daw sa pangyayari, biro lang ito ni Liza sa kanyang staff na walang balak umuwi dahil hindi pa tapos ang kanilang meeting.

Sabi ni Raqz Regalado, "Manang @MiaMagdalena this was 2am and they were working late on a project. She did this to humor her staff, all of which did not want to go home yet because they were dedicated to their job."

Pero nanindigan naman si @MiaMagdalena sa kanyang post.

Sagot niya, "Thanks, Raqs. They were on the clock then, and working on a project.

"There is a time and place for everything, including humor, and posting on social media."

STAGED PHOTO. Sumagot din si Liza sa naturang tweet.

Ayon sa FDCP chair, sinadya niya ang naturang larawan.

"This was a staged photo posted on my PERSONAL page. Dear, you might want to check first before making assumptions."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN