Kris Aquino wants to be friends with Gilas player Terrence Romeo

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Kris Aquino wants to be friends with Gilas Pilipinas' Terrence Romeo for standing up for his teammates and for apologizing following the FIBA basketball brawl.


Hindi lang hinahangaan kundi gusto ring maging kaibigan ni Kris Aquino ang Gilas Pilipinas player na si Terrence Romeo.

Ipinahayag ito ni Kris sa palitan nila ng mensahe ni Terrence sa Instagram post ng basketball player.

Sa Instagram post niya noong Martes, July 3, humingi ng paumanhin si Terrence sa gulong nangyari sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Boomers ng Australia sa 2019 FIBA World Cup qualifier sa Philippine Arena noong Lunes, July 2.

Komento rito ni Kris, “Gusto kitang kaibiganin.” 

Ikinatuwa naman ito ni Terrence at sinabing gusto rin niyang maging kaibigan ang TV host/actress/social media influencer.



Ayon naman kay Kris, may pagkakapareho sila ng basketball player: hindi mang-iiwan ng kapamilya at kaibigan sa panahon ng kagipitan, subalit hihingi ng sorry kung kinakailangan.

“ganyan ang pananaw ko sa buhay-pag pamilya o kaibigan, lalong lalo na sa gipitan, walang iwanan.

"You’ve been raised well by your parents- nag SORRY ka pero pinaintindi mo ng klaro ang paninindigan mo," sabi ni Kris.

Sagot ni Terrence, “maraming salamat po mam. It takes one to understand one.

"Keep supporting Gilas po. God bless you and your family."



Magkahalo naman ang reaksiyon ng netizens dito.

May mga bumatikos kay Kris at sinabing tino-tolerate niya ang violence.

May mga inuugnay rin ang pagnanais ni Kris na maging kaibigan si Terrence sa kani-kanilang naging karelasyon noon.

Magkaibigan at business partners ang ex-husband ni Kris na si James Yap at ang rumored ex ni Terrence na si Vice Ganda.

Bukod dito, dati ring matalik na kaibigan ni Kris si Vice.


Stories We Are Tracking

Vice tweets amid Gilas-Boomers brawl; Romeo blasts critics
Vice tweets amid Gilas-Boomers brawl; Romeo blasts critics
Kris Aquino stands by Gilas Pilipinas in brawl with Boomers
Kris Aquino stands by Gilas Pilipinas in brawl with Boomers
Terrence Romeo, Gabe Norwood thank Kris Aquino for support
Terrence Romeo, Gabe Norwood thank Kris Aquino for support
Gary, Bianca, Karen, other celebs react to
Gary, Bianca, Karen, other celebs react to "basketbrawl"


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN