Vina Morales: "Parang wala yatang rules sa pag-ibig."

IMAGE Rachelle Siazon

Vina Morales on being single: "Maybe because it's been a year and a half that I haven't been really seeing someone in a serious relationship. Well, I hope soon. I know there is somebody out there for me. I'm just waiting for it."


Ilang beses mang nasaktan si Vina Morales dahil sa pag-ibig, hindi raw siya takot pumasok ulit sa isang relasyon.

Ano ang natutunan niya mula sa mga dating relasyon na nais niyang gawin kapag nagmahal siya ulit?

Natatawang tugon ng actress-singer, “Parang wala yatang rules sa pag-ibig, e!

“Mahirap, e, baka kainin ko lang rules ko. So, I just go with the flow.

“I just wanna make sure that I’ll just love truly, I’ll be happy, and that person will love me back and my family.

“Siguro yun lang ang pinakaimportante sa akin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vina sa store opening ng Beautizone permanent makeup and pampering salon sa Upper McKinley Road sa The Fort, Taguig City, noong June 28.

Ayon kay Vina, matagal-tagal na rin siyang single.

Sabi niya patungkol sa estado ng kanyang puso, “Tumitibok pa rin. Hindi ko lang alam kung anong klaseng tibok.

“I think medyo relaxed siya ngayon. Maybe because it’s been a year and a half that I haven’t been really seeing someone in a serious relationship.

“Well, I hope soon. I know there is somebody out there for me. I’m just waiting for it.”

May mga manliligaw ba siya ngayon?

Sagot ni Vina, “Ewan ko ba, sa generation ngayon, hindi ko alam kung ano yung ligaw-ligaw.

“I think it’s more of ipinapakilala ka. It’s just like group dates, ganun.

“Meron naman. Pero for now, nothing really serious.”


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN