Marc Pingris on selfie photo with Gilas: "Sorry talaga, tao lang."

IMAGE Photo courtesy of Facebook (Marc Pingris #15) / Instagram

Marc Pingris apologizes for taking a selfie photo with Gilas Pilipinas players moments after the brawl with Australia.


“Tao lang talaga ako, nagkakamali… patawad po.”

Ito ay bahagi ng Instagram post ng PBA player na si Marc Pingris matapos umani ng batikos ang kanyang selfie kasama ang Gilas Pilipinas players.

Ipinost ni Marc ang nasabing selfie photo sa kanyang Instagram account ilang saglit pagkatapos ng nangyaring pisikalan sa pagitan ng Gilas Pilipinas at ng Australian basketball team na Boomers sa 2019 FIBA World Cup qualifier sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan, noong Lunes, July 2.

Nag-viral ang selfie photo na ito at umabot pa sa international news.

Magkahalo ang opinyon ng netizens at media tungkol dito.

May mga kilalang personalidad na hayagang binatikos ang selfie dahil “insensitive” daw ito.

Ilan sa nagpahayag ng disgusto sa selfie photo ng Gilas ay sina former NBA player Andrew Bogut, Basketball Austria Chief Executive Anthony Moore, at Australian sports anchor Greg Thomson.


Stories We Are Tracking

Netizens react to Pingris's
Netizens react to Pingris's "selfie muna bago ma-eject" post
Australian sports anchor calls Gilas players
Australian sports anchor calls Gilas players "imbeciles"

Noong Miyerkules, July 4, nag-post si Marc sa kanyang Instagram account ng official statement patungkol sa selfie.

Ayon sa dating Gilas player, wala siyang intensiyong mambastos subalit napagtanto niyang "inappropriate" ang timing ng kanyang ginawa.

Pahayag ni Marc, “This unfortunate incident has taught me a  valuable life lesson, particularly on the need to be circumspect in such situations.

"Will do my best to conduct myself better especially in my support of the Gilas Pilipinas National Team.

“Sorry talaga tao lang talaga ako nag kakamali patawad po sa lahat.

“Thank you for your understanding.”

Sorry po????

A post shared by Marc Pingris (@jeanmarc15) on


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN