Heart Evangelista slowly moves on after miscarriage; attends Paris Fashion Week

IMAGE Courtesy: @iamhearte / @abtkurniawan On Instagram

Eksaktong isang buwan ngayong araw, July 6, nang malaglag ang ipinagbubuntis na kambal ni Heart Evangelista. Ayon sa misis ni Senator Francis Escudero, dahan-dahan siyang bumabangon mula sa kalungkutan dahil marami pang dapat ipagpasalamat sa Diyos.


Pinipilit daw ni Heart Evangelista na bumangon mula sa malungkot na kinahinatnan ng kanyang unang pagbubuntis.

Ngayong Biyernes, July 6, eksaktong isang buwan mula nang makunan siya sa kambal sana nilang anak ni Senator Francis Escudero, nagbahagi ang aktres ng mensahe para sa kanyang followers at tagahanga sa Instagram.

Ayon kay Heart, mahirap mag-move on mula sa nangyari sa kanya, pero marami pang ibang dapat ipagpasalamat sa Diyos.

Aniya, “I may not have all the answers but you know what they say, when you get knocked down 7 times, you have to get up 8.

"It’s been hard to get back to normal but I know that God is with me every step of the way. Each and every day he reminds me that I have plenty to be grateful for.

"You can’t erase the hardships, you can only look at them with gratitude for being a part of your journey...”

Kasalukuyang nasa Paris, France si Heart upang dumalo sa Paris Fashion Week (Haute Couture edition), na naging tradisyon na niyang gawin taun-taon.

On the go with @kevinkwanbooks... #PFW

A post shared by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

Ayon sa ilang netizens, posibleng paraan din ito ni Heart upang pansamantalang makalimot sa pagkalaglag sa panganay sana nilang anak ni Chiz.

Lovely company on my first evening in Paris...??

A post shared by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on


Stories We Are Tracking

Heart moves on from
Heart moves on from "extremely painful" miscarriage
Heart Evangelista grieves but hopeful after miscarriage
Heart Evangelista grieves but hopeful after miscarriage


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN