Preggy Aubrey Miles not worried about getting her figure back

IMAGE Courtesy: @milesaubrey on Instagram

Pinangunahan na ni Aubrey Miles ang mga taong maghahayag ng kanilang pag-aalala sa kanyang figure ngayong buntis siya. Problemahin na lamang daw nila ang kanilang figure at huwag ang kanya dahil mabilis daw niya itong maa-achieve muli pagkapanganak.


Hindi maintindihan ni Aubrey Miles kung bakit tila may ilang nag-aalala sa kanyang seksing pangangatawan ngayong ipinagbubuntis niya ang anak nila ng partner na si Troy Montero.

Ayon sa aktres, mas mabuting alalahanin ng mga ito ang kanilang sariling pigura sa halip na problemahin pa kung ano ang mangyayari sa kanyang katawan ngayong buntis siya.

Sa post niya sa Instagram ngayong araw, July 6, sabi ni Aubrey, “May mga taong kala ata nila I’m worried about my figure bwahahah the least of my worries is my body.

"You know why??? It’s freaking easy for me to get it back, not a problem hahaha so please yung nagreklamo diyan, worry about your body not mine.”


Komento ito ng aktres sa bagong post niya tungkol sa pagkakarera.

Sabi naman ng isa niyang follower, “I so admire u but after pregnancy like ur more worry about ur figure and stuff than having new blessing. #justsaying.”


Hindi ito nagustuhan ni Aubrey.

Paglilinaw niya, "I’m not worried about my figure haha. Did u read my caption?

"I’ve been wanting to get pregnant. Not the figure, it’s driving and racing.

"Just saying? You don’t make sense. Can you just be happy for other people if you really truly admire."

Dagdag pa ni Aubrey, “Don’t talk about blessing to me… because you don’t know what are my blessing in life that I’m grateful for.

"You don’t know me. All I can say to you is stay positive and enjoy my feed.”


Ilang minuto ang nakalipas, binura rin ni Aubrey ang komento niyang ito.

Nasa second trimester na sa kanyang pagbubuntis si Aubrey sa anak nila ni Troy.


Stories We Are Tracking

Aubrey Miles is pregnant!
Aubrey Miles is pregnant!
Troy Montero is the sweetest expectant dad ever
Troy Montero is the sweetest expectant dad ever


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN