Bianca Gonzalez on Jameson Blake's exchange-deal offer: "Professional services...must be paid for."

IMAGE @iamsuperbianca on Instagram / Noel Orsal

ABS-CBN host Bianca Gonzalez has something to say about issue involving ABS-CBN talent and Hashtags member Jameson Blake, who asked for free artwork services via social media. 


May reaksiyon ang ABS-CBN host na si Bianca Gonzalez sa isyung kinasangkutan ng Hashtags member na si Jameson Blake.

Ito ay kaugnay ng paghingi ni Jameson ng artwork services nang libre kapalit ng isang shout-out sa social media.

Sabi ni Bianca sa kanyang tweet nitong Huwebes, July 5, magsisilbing daan ang isyu para malaman ng publiko “that professional services/products must be paid for…”

Bago ang tweet ni Bianca, nag-tweet ang radio DJ na si Suzy Gamboa hinggil sa request ni Jameson, dating housemate sa Pinoy Big Brother 737.

Ayon kay Suzy, bilang isang talent ay na-offend siya sa request ng ABS-CBN young actor.

Sinuportahan ni Bianca ang sentimyento ng radio disc jockey.

Ayon sa 27-year-old Kapamilya host, “people should stop putting down the premium for the rest of the industr(ies) by giving working for free.”

Bukod kina Bianca at Suzy, nag-react din ang commercial at film director na si Gino Santos sa tweet ni Jameson.

Aniya, hindi nag-aral ang graphic artists at graphic designers para tawaran ang kanilang trabaho sa isang shout-out.

“Set an example. Be more than a celebrity,” panawagan ni Gino kay Jameson.

Kabilang sa recent directorial jobs ni Gino ay ang Ex With Benefits (2015), Love Me Tomorrow (2016), at Sin Island (2017). 

May mga nainsulto man sa pakiusap ni Jameson, mayroon ding mga sumuporta sa kanya.

Humingi naman ng paumanhin si Jameson sa mga na-offend sa kanyang request.


Stories We Are Tracking

Jameson Blake draws flak over
Jameson Blake draws flak over "shout out" as payment for art
Jameson Blake apologizes for free artwork request
Jameson Blake apologizes for free artwork request


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN