Solenn Heussaff defends husband Nico Bolzico against negative comment

IMAGE @solenn on Instagram

"Fun at home is what makes us both happy," Solenn Heussaff tells netizen who questions her husband's source of income.


Kasama ang mag-asawang sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa celebrity couples na kinaaliwan ng Pinoy netizens sa social media.

Ito ay dahil sa madalas na nakakatawa nilang posts tungkol sa isa't isa.

Ngunit gaano man ka-positibo ang kanilang mga post, meron pa ring panaka-nakang negatibong comment.

Katulad na lamang ng video post ni Solenn kung saan tinutulungan niya si Nico na alisin ang bandage sa paa nito.

Marami ang natuwa at natawa sa kanilang dalawa. Kabilang dito ang kapwa nila showbiz personalities:


Pero iba ang napansin ni Instagram user @marisse.santiago.

Una, sinabi nito na kailangan baguhin ni Nico ang kanyang diction.

Pagkatapos, tinanong niya si Solenn, “Does he have work? Where he wears a suite?”

Saka nagbigay ng unsolicited advice, “Stop babying him... You are not his baby. He is feeling babied and I think he is loving it.. I hope not permanently. Nakaka LA LA.”

Sa huli sinabi niya, “I am your friend artist Solenn.”

Dinepensahan naman ng actress/singer/TV host/artist ang kanyang asawa bilang tugon sa tanong ng netizen.

Ang maikli niyang reaksiyon, “[Nico] is a hard working man and runs an agri company. Fun at home is what make us both happy.”


Sa nakaraang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Solenn, inilarawan nito kung paano ang financial agreement nila ng kanyang asawang si Nico.

Sa ngayon, habang wala pa silang anak, “very modern” pa raw ang setup nilang dalawa.

“I don’t know how much he owns. He doesn’t know how much I own,” aniya.

“We have a joint bank account for house dues, just for me to pay like groceries or stuff like that.

“But aside from that, I don’t know how much he earns. He doesn’t know how much I earn.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, sigurado si Solenn na magbabago ito kapag nagsimula na silang bumuo ng pamilya.

“When we have a kid, maybe it will change.”

“But for now, it’s chill.”


Stories We Are Tracking

Solenn and Nico's financial agreement may surprise you
Solenn and Nico's financial agreement may surprise you


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN