Loisa Andalio, Maris Racal give reminders to their respective fans

IMAGE File Photo

Loisa Andalio and Maris Racal took to Twitter to remind their respective fans to behave on social media.


Parehong nagbigay ng paalala sa kani-kanilang fans ang dating mag-best friends na sina Maris Racal at Loisa Andalio.

Sa pamamagitan ng kani-kanilang Twitter accounts, pinaalalahanan ng dalawa ang kanilang fans at followers.

Noong July 4, sinabihan ni Loisa ang kanyang fans, “Please, behave na!”

Sabi naman Maris sa Twitter post niya kanina, July 6, “I encourage my followers to always take the higher road.”

Ang tweets ng dalawang young stars ay kasunod ng panayam ni Maris sa late-night talk show na Tonight With Boy Abunda noong June 26.

Dito niya sinabing nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng dating matalik na kaibigang si Loisa.

Inamin rin niya na isang sanhi nito ay ang madalas na pagkukumpara ng mga fans sa kanila.

Ani Maris, “Malaking bagay po yung mga sobrang harsh na comments ng fans.

“Lagi kaming naku-compare—who's better, who's not.”

Sa kabila nito, sinabi ni Maris na magkaibigan pa rin sila ni Loisa, pero hindi na nga lang "best friends."


Stories We Are Tracking

Maris Racal admits past misunderstanding with Loisa Andalio
Maris Racal admits past misunderstanding with Loisa Andalio
Maris Racal answers basher calling out her
Maris Racal answers basher calling out her "liberated" ways


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN