Sunshine Cruz reacts to libel, BIR complaints filed by Brunei businesswoman

IMAGE Noel Orsal / MJ Marfori

Sagot ni Sunshine Cruz sa napabalitang libel at tax code violation complaints na isinampa laban sa kanya ng Brunei businesswoman na si Kathelyn Dupaya: ""So just let her do the talking, and if I get the letter coming from them, then sa korte na lang talaga."


Hindi nagpatinag si Sunshine Cruz sa reklamong libel at diumano’y violation of tax code na isinampa ng Brunei businesswoman na si Kathelyn Dupaya laban sa Kapuso actress.

Inihain ni Kathelyn ang reklamong violation of tax code laban kay Sunshine sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Quezon City.

Ang reklamong libel naman ay isinumite ni Kathelyn sa kanyang hometown sa Jolo, Sulu, ayon sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 29.

Unang sinagot ni Sunshine ang alegasyon ni Kathelyn na may pagkukulang ang aktres sa pagbabayad ng buwis sa BIR. 

Inireklamo kasi ni Kathelyn ang diumano’y hindi pagbigay ni Sunshine ng official receipts, hindi pagbayad ng documentary stamp tax, at posibleng tax evasion kaugnay ng investment nito sa negosyo ng una.

Pahayag ni Sunshine, “With regards to BIR, I pay my taxes on time. I have my own accountant. So, that is not a problem. And I’m not scared of that.”

Tungkol sa reklamong libel, ang pahayag ni Sunshine, “I’m just waiting for the subpoena.

“I believe na etong mga bagay na ‘to, sinasagot sa proper forum, which is sa korte.

“So hinihintay lang namin yung supposed subpoena na pinadala niya. And then from there, dun na namin ita-tackle ng lawyer ko kung anong dapat gawin.”

Ayaw nang magkomento ni Sunshine tungkol sa isyu.

"Sabi niya nga, nakapag-file na siya. So ang hirap kasi na magsalita pa, e.

"So just let her do the talking, and if I get the letter coming from them, then sa korte na lang talaga."

Nakapanayam ng PEP.ph si Sunshine pagkatapos ng presscon ng pinagbibidahan niyang GMA-7 daytime series, ang Kapag Nahati Ang Puso, na ginanap sa 17th Floor ng GMA Network Center, Biyernes, July 6.


Stories We Are Tracking

Kathy Dupaya slams Sunshine Cruz:
Kathy Dupaya slams Sunshine Cruz: "Wala siyang puso."

BACK STORY. Noong May 24, nagsampa ng reklamong estafa ang perfume magnate na si Joel Cruz laban kay Kathelyn dahil nabigo diumano ang una na mabawi ang investment niyang PHP40 million sa negosyo ng Brunei businesswoman. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ulat ni ABS-CBN reporter Mario Dumaual ng TV Patrol, noong May 28, kasama ni Joel na lumantad sina Sunshine, Ynez Veneracion, at ilan pang biktima diumano ng investment scam ni Kathelyn.

Dito sinabi ni Sunshine na PHP3 million ang in-invest niya sa negosyo ni Kathelyn.

Pahayag ni Sunshine, “Hindi porke't matamis ang dila, hindi porke't mabait yung tao or mayaman, maniniwala na tayo kaagad.”

Sa hiwalay na ulat ng TV5 reporter na si MJ Marfori noong May 29, inihayag ni Kathelyn ang hinanakit sa diumano’y panlalaglag ng “BFF” niyang si Sunshine.

Ito ay sa kabila diumano ng pagbigay ng tulong ni Kathelyn kay Sunshine noong panahong “walang-wala” ang aktres.

Dinala pa raw ni Kathelyn si Sunshine sa Europe, Singapore, at Brunei.

Naiiyak na pahayag ni Kathelyn, “Lahat ng luho niya, shopping niya, lahat. Kahit sinong kaibigan walang gagawa sa kanya niyan. Nilampaso niya talaga ako. Nilaglag niya ako, kaibigan niya ako.”

Dagdag ni Kathelyn, "Sa lahat ng artista, siya lang ang nakinabang lahat. Hindi lang sa kanya, sa mga support ko sa anak niya.

"Mag-shopping siya ng mga damit sa Zara, alam lahat ng sales lady sa Greenbelt kung magkano ang mga halaga ng mga binabayaran ko sa kanya nang hindi alam ng asawa ko.

"Na hindi ko nabigay sa kamag-anak ko, mga pera ko, lahat siya ang nakinabang.

"'Tapos nakipag-isa siya sa mga taong 'to, sasabihin scammer? Kumita po siya ng 5 million! Bukod sa 5 million, nakinabang siya ng pera sa akin ng dalawang taong mahigit..."

BUSINESS ISSUE, NOT FRIENDSHIP. Sa Facebook post ni Sunshine, noong May 30, inakusahan niya ng “character assassination” si Kathelyn.

Iginiit ni Sunshine na walang katotohanan ang pahayag ni Kathelyn na “walang-wala” siya dahil nakapag-invest ang aktres ng PHP3 million sa negosyo ni Kathelyn.

Nilinaw din ni Sunshine na work engagement ang pagpunta nila noon ni Kathelyn sa Brunei.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang dalhin daw siya nito sa Paris ay niregaluhan daw ni Sunshine ang negosyante ng antigong authentic Givency bag dahil naniniwala raw ito na “give and take” dapat ang pagkakaibigan.

Buwelta ni Sunshine, “Mrs. Dupaya kung meron akong gusto o luho, kaya ko bilhin at hindi ko sa 'yo iaasa.

“Gifts are gifts, sabi mo nga, at utang ay utang. Lagi mo iyan sinasabi sa 'kin, sa 'min.

“To cut the story short, wag mo palabasing ginamit or pinerahan kita dahil hindi ka maiiyak o masasaktan nang ganito if I was not a good friend to you.

“Kaya lang sana hindi mo ako siniraan at nag-focus ka sa issue.”

Dagdag pa ni Sunshine, “One thing for sure is that wala akong niloko, inutangan, inapi o kinawawa.

“Our friendship is different from the business we agreed on Mrs. Dupaya and you know that for a fact.”


Stories We Are Tracking

Sunshine Cruz to Kathelyn Dupaya:
Sunshine Cruz to Kathelyn Dupaya: "Kita tayo sa korte."
Sunshine Cruz breaks silence on claims of Kathelyn Dupaya
Sunshine Cruz breaks silence on claims of Kathelyn Dupaya
Joel Cruz files PHP20-M libel suit against Kathelyn Dupaya
Joel Cruz files PHP20-M libel suit against Kathelyn Dupaya
Joel Cruz files estafa case against Kathelyn Dupaya
Joel Cruz files estafa case against Kathelyn Dupaya


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN