Gary Valenciano says he is cleared of cancer

IMAGE gary valenciano

Pagkatapos kumalat ng balitang mayroon siyang kidney cancer, nilinaw ng singer na si Gary Valenciano na magaling na siya. Sinabi ito ni Mr. Pure Energy sa mensahe niya sa young actress na si Miles Ocampo sa Twitter.


"I've been cleared of the the big C."

Ito ang tiniyak ni Gary Valenciano matapos pumutok ang balitang mayroon siyang kidney cancer.

Nitong Biyernes ng gabi, July 6, naging headline ang teaser ng Rated K, ang weekly magazine show ni Korina Sanchez sa ABS-CBN, kung saan ipinaliwanag ni Gary kung bakit hindi pa siya bumabalik sa trabaho pagkatapos ng kanyang open heart surgery noong Mayo.

Ito ay dahil nadiskubre raw ng kanyang mga doktor na mayroon siyang "kidney cancer."

Ipalalabas ang buong interview kay Gary sa Linggo, July 8.


Stories We Are Tracking

Gary Valenciano in good spirits as he battles kidney cancer
Gary Valenciano in good spirits as he battles kidney cancer

Dahil teaser lamang iyon ay hindi naging malinaw sa marami kung ano na ang estado ng karamdamang ito ni Gary.

Tiniyak naman ni Gary sa ilan niyang followers na wala silang dapat ipag-alala, at dapat panoorin ang kanyang buong interview.

Ngunit sa tugon ni Gary sa mensahe para sa kanya ng Kapamilya young actress na si Miles Ocampo, sinabi ng singer na  wala na siyang cancer.

"I’m already much better today than yesterday. I’ve been cleared of the big C," paniniyak ni Gary.

Pagkatapos nito, bumuhos ang mensahe mula sa netizens na natutuwa dahil magaling na ang singer:




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN