Herbert Bautista all praises for ex-girlfriend Kris Aquino: "She was able to guide my path."

IMAGE Noel Orsal

Malaki ang pasasalamat ni Mayor Herbert Bautista sa dating karelasyon na si Kris Aquino dahil malaki raw ang naging ambag nito sa kanyang buhay.


Hindi naman daw nanghinayang si Quezon City Mayor Herbert Bautista na hindi na niya karelasyon si Kris Aquino, na meron na ngayong slimmer figure.

Biro ni Herbert, “Hindi naman, okay lang, pumayat din ako.”

Matatandaang sa grand presscon ng pelikula ni Kris na I Love You Hater noong nakaraang June 19, sinabi ng host-actress na, "Mayor, this is what you're missing,"  sabay tanggal ng suot niyang Balmain coat.


Stories We Are Tracking

Kris on slimmer figure: Mayor, this is what you're missing.
Kris on slimmer figure: Mayor, this is what you're missing.

Ngunit lubos naman ang pasasalamat ng alkalde sa dating girlfriend, na nakarelasyon niya sa “isang short at very brief moment” noong 2016.

Aniya, “Of course, I’d like to thank Kris because in that short and very brief moment in our lives, in that period, ang context nito is PNoy [former President Noynoy Aquino] ended his term as President.

“She ended her term as a contract artist of ABS-CBN, and it was very crucial as far as her career is concerned.

“So yung communication is just through text ganyan, bihira yung phone [call], mostly it was text and pambihira yung...

"The relationship, if there is a relationship, is more of a mutual relationship between two individuals.

“It’s less than maybe of a relationship, but more than being friends ‘no, it was based on mutual respect.

“And I would like to thank her for, one way or the other, guiding me.” 

Marami raw pangyayari at kontrobersiyal na sitwasyon kung saan nalusutan at napagtagumpayan nilang lampasan.

Sabi pa niya, “So it’s really based on mutual respect, and I would like to thank her because one way or the other she was able to guide my path, especially alam niyo matatapos na yung term ko [as Quezon City mayor].

“Binigyan niya ng maraming optoions, yung mga options sa buhay ko, akin yun, pero yung mga nakikita niyang options which is siya lang yung nakakakilala sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang na raw rito ang suhestiyon ni Kris na magtayo siya ng kanyang sariling social media team na kanya namang sinunod.

Bandang Agosto raw ay maglalabas na sila ng ilang mga videos at informative documentaries tungkol sa kanya at sa kanyang paninilbihan bilang alkalde ng Lungsod ng Quezon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Mayor Herbert sa launching ng kanyang libro na "Bistek @ 50 Life in Full Color, The Herbert Bautista Biography" at birthday treat na rin niya sa entertainment press kahapon, July 6, sa Amoranto Hall ng Quezon City hall.


SHORT BUT SWEET. Ayon pa kay Mayor Herbert, malaki ang naging ambag sa buhay niya ng naging relasyon nila ni Kris kahit sobrang napakaiksi nito.

Kuwento pa niya, “So I would like to thank her kasi naging bahagi siya ng pagpaplano ng  direksiyon sa buhay ko.

"And ako, naging bahagi din ako kahit papaano sa buhay niya.

“After two years, I am very proud of her because she was able to stand on her two feet, own feet.”

Paglalarawan pa niya, “Wala siyang network na masasabi, ABS-CBN, GMA, or any other network, pero meron siyang masasabing sariling network.”

Bukod pa raw rito, patuloy na dumadami ang endorsements ni Kris.

“So nakatayo na siya,” ang papuri pa niya.

KEEPING THE DISTANCE. Kuwento pa ni Herbert, si Kris na mismo ang boluntaryong nagsabi sa kanya na siya na ang kusang lalayo dahil ayaw niyang madamay ang pulitiko sa sarili nitong mga kontrobersiya.  

Ang sabi raw ni Kris kay Herbert, “Didistansiya na lang ako sa iyo Herbert para hindi ka na naba-bash dahil without you doing anything and because of me doing something, natatamaan ka.'”

Mensahe niya sa dating nobya, “I wish her really the best in her career, and I know she’s going to go matagal pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakikinita rin daw niya na balang araw ay papasok sa pulitika si Kris.   

Ang payo niya kay Kris, “Huwag masyado pasaway, mas masarap maraming kaibigan.”

 


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN