Sunshine Cruz cries foul over Brunei businesswoman's death threat accusations

IMAGE Noel Orsal

Sunshine Cruz cries foul over Brunei businesswoman Kathelyn Dupaya's latest death threat accusations: "For a person to accuse me of a possible death threat to her is too much! Napaka-OA na."


Nais na raw sanang manahimik ni Sunshine Cruz tungkol sa isyu nila ng Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya.

Gusto lang daw ni Sunshine na mabayaran na ni Kathelyn ang P3M na utang niya sa aktres.

Kuwento ni Sunshine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Sabado, July 7, “Gusto kong manahimik at ayaw ko na sana patulan.

"I really, really want to focus sa trabaho.

“Nakauwi na ako from US at ang dami ng ganap sa buhay ko, ayaw pa rin tumigil.

"Inikot na ang radyo at ang sipag magpaka-negative sa social media.

“Tigilan niya ang paninira. Ibalik na lang niya nang maayos ang pera ng iba.

“Marami siyang building at properties, sabi niya.

"Kung ganun, bakit napakahirap para sa kanya ang ibalik ang pera na hindi naman talaga sa kanya?

"Sabi niya dati tumubo ako ng 5M, naging 7M at ang latest 11M naman daw kinita ko. Ang yaman ko naman!"

DEATH THREAT ACCUSATION. Ang ipinagputok ng butse ng Kapag Nahati Ang Puso star ay ang bagong post ni Dupaya sa Facebook kunsaan sinabi nitong kapag mamatay daw siya ay ang grupo nina Sunshine ang dapat pananagutin.

Bukod kay Sunshine, ang iba pang nagreklamo laban sa negosyante ay sina Joel Cruz, Ynez Veneracion, at iba pang pribadong indibidwal.

Nakasaad sa Facebook post ni Dupaya na ibinahagi ni Sunshine, “Anything might happen to me… isang group lang ang may gagawa sa akin…

“Anything will happen to me, no further notice, arrest this group.”



Mariin itong pinalagan ni Sunshine.

Sa kanyang post sa Facebook ngayong araw din, sinabi niyang naubusan na raw siya ng pasensiya sa mga walang pakundangang bentang sa kanila.  

Sabi ni Sunshine, “By doing this, alam ko matutuwa ka kasi nabigyang satisfaction ang pagpapapansin mo but we just sometimes lose our patience to people na ginawa ng hanap buhay ang paninira sa kapwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Trying to move on and focus sa trabaho para mabawi ang 3M ko na hindi na nya maibalik, trying my best to focus on being positive after all the accusations hurled at me.

"May ganito palang uri ng tao talaga. For a person to accuse me of a possible death threat to her is too much! Napaka-OA na."

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Kathelyn ukol sa mga sinabing ito ni Sunshine. 


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN