Kris Aquino posts message of gratitude to lawyer-friend

IMAGE Arniel Serato / Courtesy: @the.mightywarrior on Instagram

Malaki ang pasasalamat ni Kris Aquino (left) sa kanyang kaibigang abugado na si Atty. Gideon Peña (right) dahil kahit sa maiksing panahon ng kanilang pagkakakilala ay nagpakita raw ito ng respeto at tiwala sa kanya.


Malaki ang pasasalamat ni Kris Aquino sa kanyang kaibigang abugado na si Atty. Gideon Peña na nakilala niya sa kanyang online show na Unscripted With Kris may dalawang linggo na ang nakaraan.

Nasa Bangkok, Thailand si Kris para sa isang endorsement shoot kasama ang dalawang anak na sina Joshua Aquino at Bimby Aquino Yap.

Pero hindi nakalimutan ni Kris na magpasalamat sa kaibigan.

Sabi niya sa kanyang post sa Instagram ngayong araw ng Sabado, July 7, na may quote card na, “Thank you… for wanting to stay, come what may…,” na nagpapasalamat siya dito dahil nagpakita raw ito sa kanya ng  “genuine concern, friendship, respect, and trust.”

Saad ni Kris, “This is a much deserved #gratitude post because in a short period of time, he has consistently shown me genuine concern, friendship, respect, & trust.

“Promised my sons some “just US” no social media posting time for until we get home on Monday… so keeping my word & unplugging.”

Naka-tag sa kanyang post ang Instagram account ni Atty. Gideon na @the.mightywarrior.



May mga nagkomento naman na kinilig sila sa post ng actress/endorser.

Nauna nang ipinaliwanag ni Kris na hindi raw interesado sa kanya ang nasabing abugado at magkaibigan lamang daw sila.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino dismisses alleged brewing romance with lawyer
Kris Aquino dismisses alleged brewing romance with lawyer

 

 


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN