Pokwang engages in word war with netizens over Chris Goulding's "Philippino monkeys" tweet

IMAGE Instagram @itspokwang27 / Noel Orsal

An excerpt from Pokwang's strong stance on Australian Boomers Chris Goulding's alleged monkey tweet: "iba ang fake news sa deleted na tweet!!!!!! at wag nyo akong mautusan na i delete itong post ko dahil may bayag ako kahit nanay ako!!! #doonKanga"


Nanindigan si Pokwang sa kanyang pagkondena sa diumano’y pagtawag ni Australian Boomers player Chris Goulding ng “monkey” sa mga Pilipino matapos magkasagupaan ang team nito at Gilas Pilipinas sa Fiba World Cup qualifier game sa Philippine Arena noong July 2.

Ang balyahan sa pagitan ni Chris at Gilas player na si RR Pogoy ang isa sa mitsa ng nangyaring suntukan sa pagitan ng dalawang koponan.

Sa Instagram post ni Pokwang noong Hulyo 4, ibinahagi niya ang screenshots ng kontrobersiyal na tweet ni Chris.

Ibinahagi rin ni Pokwang ang diumano’y pag-retweet ni Chris kay Andrew Bogut, isang Australian basketball player na dating manlalaro sa NBA.

Isa si Andrew sa mga bumatikos nang husto sa Gilas players sa social media noong nakaraang Linggo.

Matapang na pahayag ni Pokwang, “Wow!! umabot na talaga sa ganito? Kaloka! sa mga nagtatanggol sa team na ito, Oo lalo ka na pilipino ka di ba? O ayan unggoy daw tayo!!

“maaaring may mali both team pero yung umabot na sa ganitong pang-aalipusta ng lahi, aba hoy!! gising gisiing... wag maging higop pwet pa rin!!

“Pilipino ka ipagtanggol mo naman kahit wag na sarili mo yung pamilya mo nalang na may dugong pinoy na dumadaloy.... O wag ako ha opinyon ko ito, wag kang nang aano....”

Wow!! umabot na talaga sa ganito?? Kaloka! sa mga nagtatanggol sa team na ito, Oo lalo kana pilipino ka diba? O ayan unggoy daw tayo!! maaaring may mali both team pero yung umabot na sa ganitong pang aalipusta ng lahi, aba hoy!! gising gisiingg... wag maging higop pwet parin!! Pilipino ka ipag tanggol mo naman kahit wag na sarili mo yung pamilya mo nalang na may dugong pinoy na dumadaloy.... O wag ako ha opinyon ko ito, wag kang nang aano.... ???????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????? iba ang fake news sa deleted na tweet!!!!!! at wag nyo akong mautusan na i delete itong post ko dahil may bayag ako kahit nanay ako!!! #doonKanga

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Sa comments section, ilang netizens ang nagsabi kay Pokwang na diumano’y “fake” ang naging viral “monkey” tweet ni Chris, base sa official statement na inisyu ng kampo ng Australian cager.

Gayunman, nanindigan si Pokwang na hindi peke kundi “deleted” ang tweet na iyon ni Chris.

WORD WAR WITH NETIZENS. Isa-isang sinagot ni Pokwang ang ilang netizens na nambatikos sa kanya dahil diumano sa pagpapakalat ng Banana Split actress ng fake news.

Lalo na’t umabot sa puntong may isang netizen ang nagsabi kay Pokwang na "dagdag ka sa kahihiyan ng mga Filipino" at dahil wala umano sa lugar ang paninindigan ng comedienne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patutsada pa ng netizen, wala umanong trabaho si Pokwang kaya gustong maging "relevant."

Buwelta ni Pokwang, "@rosemariefernandez143 nakalagay sa profile mo, have no reason to hate? e ano itong pinagco- comment mo s akin? Hindi ba ito HATE? ahhahahahaha"

Taliwas sa pahayag ng netizen na wala siyang trabaho, nilinaw ni Pokwang na kababalik lang niya bilang cast ng ABS-CBN gag show na Banana Split.

Ani Pokwang, "and FYI nakabalik at makakabalik ako sa trabaho dahil hindi ako balahura sa trabaho...

"wala pa ako tulog dahil shooting at taping ako araw araw..."



Hindi rin pinalampas ni Pokwang ang komento ng isang netizen na tinawag siyang "mema" at ipokrito dahil "performer" din umano ang comedienne sa ibang bansa.

Balik-sagot ni Pokwang, "woowww isa lang halimbawa ng makapili at traydor hahhaaahahaha i google mo ano ang makapili..."


NOT "FAKE," BUT "DELETED" TWEET? Hindi nagpatinag si Pokwang sa ilan pang netizens na nagsabing "fake" ang naging viral "monkey" tweet ng Australian Boomers player na si Chris.

Paulit-ulit na inihayag ni Pokwang na hindi niya hahayaang maliitin ang pagkatao ng mga Filipino sa gitna ng kontrobersiyang kinasangkutan ng Gilas Pilipinas basketball players laban sa Australian Boomers.




Samantala, may ilang netizens naman ang kumampi at sumang-ayon kay Pokwang.



Sa huli, naglagay ng post script si Pokwang sa kanyang Instagram post.

Giit ni Pokwang, "iba ang fake news sa deleted na tweet!!!!!! at wag nyo akong mautusan na i delete itong post ko dahil may bayag ako kahit nanay ako!!! #doonKanga"

Ayon sa ulat ng Spin.ph kahapon, July 7, nanindigan ang kampo ni Chris na peke ang kumalat niyang tweet kung saan sinabihan niyang "monkey" ang mga Filipino.

Pahayag ni Basketball Australia media manager na si Grant Richardson, "I can categorically state that tweet is not real and is 100 percent photoshopped."


Stories We Are Tracking

Vice tweets amid Gilas-Boomers brawl; Romeo blasts critics
Vice tweets amid Gilas-Boomers brawl; Romeo blasts critics
Netizens react to Pingris's
Netizens react to Pingris's "selfie muna bago ma-eject" post
Gary, Bianca, Karen, other celebs react to
Gary, Bianca, Karen, other celebs react to "basketbrawl"
Kris Aquino stands by Gilas Pilipinas in brawl with Boomers
Kris Aquino stands by Gilas Pilipinas in brawl with Boomers


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN