Gary Valenciano on overcoming kidney cancer, heart condition: "Parang nasa kamay ako ni Lord."

IMAGE @garyvalenciano on Instagram

Gary Valenciano on his full recovery from kidney cancer after his successful operation last June 13: "Nakatanggap ako ng message galing ko sa doctor ko na cancer-free [na ako]. Hindi ko na kailangan mag-therapy, no need for chemotherapy, radio therapy, wala."


Inamin ni Gary Valenciano na tila nasa bingit siya ng kamatayan nang magkasunod siyang na-diagnose ng sakit sa puso at kidney cancer nitong nakalipas na dalawang buwan.

Unang natuklasan ang bara sa kanyang puso matapos niyang makaramdam ng pananakit sa kanyang dibdib sa gitna ng kanyang “Hataw Na” production number sa ABS-CBN Sunday variety show na ASAP noong April 22.

Pilit niyang hindi ipinahalata sa audience ang nararamdamang sakit sa dibdib hanggang sa matapos ang kanyang number.

Nang sa wakas ay nagpatingin siya sa doctor, napag-alamang “95 percent blocked” ang isang main artery sa left side ng kanyang puso.

“Widow maker” daw kung tawagin ang kondisyong ito sa medical circles dahil sadyang delikado.

Paliwanag ni Gary tungkol sa pagsailalim niya sa open heart surgery, “I think nilagari nila to open it, binuksan nila yung dibdib ko.

“Kinuha nila yung puso ko, hininto nila yung heartbeat nang sandali.

“Kumuha sila ng ugat dito sa hita ko, 'tapos ginawa nilang bypass...

“Nabuhay ulit yung puso ko.”

Inihayag ito ni Gary sa eksklusibong panayam sa kanya ng TV host na si Korina Sanchez sa ABS-CBN lifestyle magazine show na Rated K ngayong Linggo ng gabi, Hulyo 8.

Laking pasasalamat ni Gary nang maging matagumpay ang kanyang operasyon .  

Dahil “95 percent blocked” ang main artery sa kaliwang bahagi ng kanyang puso, kung nagkataong napuwersa pa ito nang kaunti noong nagsasayaw siya sa ASAP ay posibleng pumutok ito at maging sanhi ng kanyang pagkamatay.  

Dagdag niya, “Habang nasa CCU [critical care unit] ako, tinanong ko yung doctor, ‘Gaano ako kalapit dun sa punto na kumbaga katapusan na ng buhay ko?’

"Sabi niya, ‘Siguro, isang talon na lang.’”

Mismong doktor na rin daw ang nagsabi sa misis ni Gary na si Angeli Pangalinan, "Ang dahilan kung bakit buhay pa ang asawa niyo ay dahil lang sa grace ni Lord, dahil 95 percent blocked."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging mabilis ang paggaling ni Gary pagkatapos ng kanyang open heart surgery, sa kabila ng kanyang sakit niyang Type 1 Diabetes.

Ngunit hindi pa pala roon nagtapos ang health scare na dinanas ng Kapamilya singer.

KIDNEY CANCER. Nakaramdam din daw siya ng “muscle strain” sa bandang ilalim ng kanyang kaliwang baga, na naging sanhi ng hirap niyang paghinga nang malalim.

Nang ipatingin niya ito sa doktor, nakita agad ang sanhi nito.

Ngunit mas ikinabahala ng doktor ang hindi inaasahang pagkatuklas nito na mayroong kidney cancer si Gary.

Ani Gary, “Sabi niya, ‘Okey, nakita na natin kung ano’ng nangyayari sa kaliwa, yung baga mo, yung pain...

“’Pero may nakita kami dito sa kanan, sa kidney mo.

"Based on the results,’ sabi niya, ‘Gary, mukhang meron kang cancer of the kidney.’

“Siyempre yung reaction ko—alam ni Angeli ito—yung reaction daw ng mukha ko, hindi raw niya ma-explain, e.

“Kasi siyempre, parang cancer of the kidney 'tapos dinagdagan pa ng salitang malignant.”

Ayon daw sa doctor ni Gary, “very early stage” pa ang kanyang kidney cancer kaya hindi nakaramdam ng simptomas ang Kapamilya singer.

Pinayuhan si Gary na magpatingin sa urologist, na pinayuhan siyang sumailalim sa PET scan (positron emission tomography), isang imaging test kunsaan makikita ang bilis ng pagkalat ng cancer cells sa kanyang katawan.

Lahad niya, “Dun sa PET scan napatunayan na hindi nag-spread yung cancer, na dun lang talaga sa kidney.

“Pero medyo malaki—four centimeters by four centimeters by six centimetres.”

NOW CANCER-FREE. Sa tulong ng magagaling na doctor ni Gary ay nalampasan niya ang kalbaryong dala ng kanyang cancer.

Sumailalim daw siya sa operasyon noong June 13.

“Thirty percent lang ng kidney ang tinanggal.

"Siniguro ng mga doktor na walang matitirang cancer cells at nagawa nila ito.

“Nakatanggap ako ng message galing sa doctor ko na cancer-free [na ako].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko na kailangan mag-therapy, no need for chemotherapy, radio therapy, wala.”

Giit ni Gary tungkol sa kanyang kidney cancer, “It’s gone already.”

Sa huli, ibinahagi ni Gary ang Bible passage mula sa Psalms 23:4, “Yung passage na, ‘Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil.’

“Naranasan ko yung katuparan talaga. As in, parang nasa kamay ako ni Lord.”

Aminado si Gary na mas pinatatag daw ng kanyang sakit hindi lang ang kanyang sarili kundi pati ang kanyang pamilya na sadyang nag-alala sa kalagayan niya.

“Actually, nagpapasalamat ako.

"Kasi minsan, kailangan talagang dumaan sa mga ganyang klaseng pagsubok ang tao para malaman talaga ng tao mismo na buhay ang Lord,” muli niyang pag-amin.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN