Hero Bautista vows never to use drugs again

IMAGE Noel Orsal

Councilor Hero Bautista (4th District, Quezon City) says he has learned his lesson after going through the "dark stage of his life."


Hanggang ngayon ay nakararamdam pa rin ng pagsisisi si Hero Bautista sa pagkagumon niya sa ipinagbabawal na gamot noon.

Bandang Agosto ng taong 2016, boluntaryong pumasok sa rehabilitation facility ang nakabatatang kapatid ni Quezon City Mayor Herbert Bautista upang magpagamot matapos magpositibo sa drug test.

Pahayag ni Hero, "Yeah, pinagsisihan ko and siyempre alam naman ng lahat na ginawa ko lang yun lahat para lang matapos yung issue kay Mayor.

"So I have to sacrifice myself in doing it."

Kumusta na siya ngayong nakabalik na siya sa trabaho bilang konsehal ng fourth district ng Quezon City?

Sagot ni Hero, “I’m good. I’m doing my best to work for my constituent.

"And, of course, to work hand in hand with my colleagues in the city council."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Hero sa launching ng libro ni Mayor Herbert, ang Bistek@50 Life In Full Color: The Herbert Bautista Biography, noong Biyernes, July 6, sa Quezon City Hall.

DARK PAST. Simula noong lumabas siya sa rehab, nakakarinig pa rin daw si Hero ng usap-usapan tungkol sa kanyang drug addiction. Pero hindi na lamang daw niya ito pinapansin.

“Some, pero mula nung lumabas ako, napapansin ko na tanggap ako ng mga kabarangay ko, mga taga-District 4, kahit saan, lalo na yung mga kapitan.

"Tuwang-tuwa kasi nakikita nila yung pagbabago ko, and they missed me a lot while I’m inside the facility.

“So it took me one year and I learned so much. I really have to push back to work.

"And siyempre, lumalaki ang mga anak ko and I have to be an example to them.

“So, iniwasan ko na talaga, ayaw ko na ring bumalik sa dati.”

Sa ngayon daw, kapag may mga speaking engagement siya, lagi niyang sinasabi sa mga tao na hindi maganda ang may bisyo, lalo na sa droga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, kapag ako naiimbita magsalita, I go there. I speak to them.

"And kahit papaano sinasabi ko yung pagbabago sa akin, actually those dark past, those dark stage of my life.”


Stories We Are Tracking

Hero Bautista allegedly tested positive for drug use
Hero Bautista allegedly tested positive for drug use
Hero Bautista volunteers to go to rehab
Hero Bautista volunteers to go to rehab
Mayor Herbert Bautista denies 'drug protector' tag
Mayor Herbert Bautista denies 'drug protector' tag
Harlene Bautista surprised by brother Hero's drug use
Harlene Bautista surprised by brother Hero's drug use


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN