Christian Bables settles issue with directors Jun Lana and Perci Intalan

IMAGE Noel Orsal

Nagkita-kita sa unang pagkakataon ang aktor na si Christian Bables (gitna) at ang mga direktor/producer na sina Perci Intalan (kaliwa) at Jun Lana (kanan) sa announcement ng walong entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino kaninang tanghali, July 9. Dito ay nagkaayos na ang tatlo pagkatapos ng matagal na hidwaan.


Nagkaayos na ang aktor na si Christian Bables at ang mga nakaalitan niyang directors-producers at mag-partner na sina Jun Lana at Perci Intalan.

Naganap ang pagkakaayos ng tatlo sa announcement ng walong official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ngayong Lunes, July 9.

Pareho silang may entries sa PPP ngayong taon.

Si Christian ang bida sa Signal Rock na idinirek ni Chito Roño.

Si Jun naman ang director at writer ng Ang Babaeng Allergic Sa Wifi, kung saan tumatayong executive producer si Perci. 

November 2017 nang lumabas ang balitang nag-backout si Christian sa TV series na Born Beautiful.

Ang Born Beautiful ay ang TV spin-off ng critically-acclaimed film na Die Beautiful (2016) na idinirek ni Jun.

Sa Die Beautiful nakilala si Christian dahil sa pagganap niya bilang Barbs, ang best friend ni Paolo Ballesteros bilang Trisha.

Nagwaging best supporting actor si Christian sa Metro Manila Film Festival 2016 at Gawad Urian 2017 dahil sa pagganap niya rito. 

Sa TV series na Born Beautiful ay si Barbas na ang central character.

Pero bago magsimula ang taping ng TV series ay biglang nag-backout sa proyekto si Christian.

Pinalitan siya ng Kapuso actor na si Martin del Rosario.

Dahil sa pangyayari ay nagkaroon ng isyu sa pagitan ni Christian at ng mag-asawang Jun at Perci, lalo pa't naging talent ng IdeaFirst Company ang aktor.

At pagkatapos ng ilang buwang hindi pagkakaunawaan ay nagkaayos na ang tatlo kanina sa Sequioa Hotel, sa Timog Avenue, Quezon City.

BURYING THE HATCHET. Pagkatapos ng event ng FDCP, lumapit si Christian kina Jun at Perci.

Humingi siya ng tawad at tinanggap naman agad ito ng dalawang direktor.

Nagyakapan din ang tatlo bilang tanda ng pagkakaayos nila.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Jun at Perci pagkatapos, at inusisa namin ang pakikipagkasundo nila kay Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Direk Jun, “I’m relieved na tapos na.

“Napag-usapan na dahil nakapag-move on na kami.

“Natapos na namin ang mga projects namin. Natapos namin ang Born Beautiful nang maayos.

“We wish him well."

Dagdag niya, “Alam ko naman na magkikita kami rito.

“Sa isip ko lang, kung magbabatian o hindi, if it’s not going to be an issue, okey lang.

“I don’t want this to be the venue sana kasi, feeling ko, baka maging showbiz.

“Sincere naman siya. Naramdaman ko naman yun.”

Umiyak si Christian nang lumapit ito sa dalawang direktor at humingi ng tawad.

“Iyakin talaga ang batang yun,” nangiting sambit ni Direk Jun.

Parehong naka-move on na raw sina Direk Jun at Direk Perci sa nangyari.

Sabi ni Direk Perci, “Baka siguro meron pang bubog iyan kung na-shelved namin ang project, hindi natuloy.

“Pero naayos din naman agad. Na-tap namin si Martin [del Rosario] agad. 

“As far as we’re concerned, wala na. That’s water under the bridge.”


Stories We Are Tracking

Christian Bables explains why he got replaced by Martin
Christian Bables explains why he got replaced by Martin
Director Jun Lana on Christian Bables:
Director Jun Lana on Christian Bables: "I feel betrayed!"
Paolo Ballesteros defends Martin for replacing Christian
Paolo Ballesteros defends Martin for replacing Christian

CHRISTIAN’S NEW MANAGER. Ang manager daw ni Christian ngayon ay si Boy Abunda.

Ayon kina Jun at Perci, nagkakausap naman sila at nagpasintabi pa ito sa kanila.

Kuwento ni Perci, “Noong ima-manage na niya si Christian, he gave us a courtesy call.

“Pero sabi ko, ‘Hindi naman kailangan, Tito Boy.’

“Sabi niya, para lang ma-clear ang air, and I said, ‘Yeah, wala kaming problema.’”

Kung mayroon silang gustong ipayo kay Christian, ano ito?

“Well, ako, kung meron akong ia-advice, kasi he was on the right track, galingan lang niya ang trabaho.

“Alam ko nakakadiskaril talaga ang controversy and, unfortunately, part talaga siya ng buhay namin sa showbiz.

“You handle it, you move on, and you do other things.”

Kumpara sa ingay ni Christian pagkatapos ipalabas ang Die Beautiful, tila nabasawan ito simula nang magkaroon sila ng isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksiyon dito ni Direk Jun, “Well, napakagaling niyang artista.

“Ang magaling na artista, hindi iyan mawawalan ng trabaho. 

“Tamang pagkuha lang ng project, tamang materyal para sa kanya.

“Maintindihan lang kung ano yung branding niya rito sa showbiz.

“Kinuha namin siya dati, naging talent namin siya. 

“We’re excited and we have so many plans for him.

“And I’m sure, si Tito Boy marami rin plans sa kanya.”

NOT CLOSING THEIR DOORS. Ngayong lumapit na si Christian sa kanila at napatawad na rin nila ito, posible kayang bumalik yung personal na relasyon nila dati?

Sagot ni Direk Jun, “Hindi ko alam ang personal relationship.

“Pero kung pinag-uusapan natin ang business relationship, kung magkakatrabaho ba kaming muli, puwede. It’s possible.

“Kasi, magaling siyang artista. Kapag tamang project, bakit hindi?”

Dugtong naman ni Direk Perci, “Kasi hindi naman kami mabarkada sa artista. Ang hirap sagutin ng personal.

“Ang relationship namin, yes, we’re somehow close, pero hindi kami yung, 'Halika, hang-out tayo.' Hindi kami ganun.

“But definitely, hindi naman sarado ang pinto na magkatrabaho kami ulit, dun naman nag-uugat yun.

“At kung meron namang mga events, like this, may functions, may birthdays na magkita kami, wala namang problema yun na magkasama-sama kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN