Bela Padilla on friendship with Maris Racal: "Hindi ako nanghihimasok."

IMAGE Noel Orsal

Bela Padilla puts and end to the issue that she's a bad influence on fellow Kapamilya artist Maris Racal. The star of The Day After Valentine's movie said, "I would like to think I'm a positive friend to whoever I am with. I didn't seek her out, siya yung lagi namang nagyayaya so I don't know where it came from."


Ayaw nang pahabain pa ni Bela Padilla ang usapin tungkol sa paratang na bad influence umano siya sa kapwa Kapamilya actress na si Maris Racal.

Ang isyu ay nag-ugat nang nakitang magkasama sa isang event sina Bela at Maris, kunsaan nakasuot ang huli ng itinuturing ng iba na sexy outfit.

May mga naghinuhang mula nang maging magkaibigan ang dalawa ay saka nagmistulang liberated si Maris.

Micro micro

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

Ngunit ayaw na itong patulan ni Bela.

"I already gave my side, so parang this is a wrong venue to talk about it," ani Bela nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), sa Sequoia Hotel sa Quezon City, kahapon, July 9.

Iginiit din ng aktres na mabuti siyang kaibigan kay Maris.

Aniya, "I would like to think I'm a positive friend to whoever I am with.

"I didn't seek her out, siya yung lagi namang nagyayaya, so I don't know where it came from.

"Ang nabibigay ko lang naman lagi kay Maris is advice sa trabaho, sa buhay niya pag kailangan niya, pero hindi ako nanghihimasok."

Dagdag ni Bela, "Okay naman, I was with her the other day nung launch niya.

"Pero like I've said, this venue is for the movies. I spoke about it na."


Stories We Are Tracking

Bela cries foul over bad-influence issue involving Maris
Bela cries foul over bad-influence issue involving Maris

PPP ENTRY. Isa sa entries sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino ay ang The Day After Valentine's na pagtatambalan muli nina Bela at JC Santos.

Naunang napanood ang kanilang tambalan sa 100 Tula Para Kay Stella, na entry sa PPP noong 2017.

Ayon sa aktres, may mga bago silang maio-offer sa mga manonood sa ikalawang pagtatambal nila ni JC.

Paglalarawan niya sa kanyang character na si Lani, "Vulnerable, pati sa trailer, napansin ko yung boses ko mas maliit.

"Siguro dahil kahit sa Stella dati, kahit bagets siya, siya yung mas protective kay JC, e, siya yung malaking tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon baligtad, parang nagpapaalaga si Lani."

Nagkuwento rin si Bela tungkol sa naging karanasan nila habang nagsu-shooting.

Aniya, "Si JC, well, inalagaan niya nang sobra ang physical appearance niya.

"Nagkabit siya ng hair extensions, long hair siya, which is very hard for him kasi may Ang Probinsyano siya every [Mondays, Wednesday, and Fridays], 'tapos pag nasa amin siya long hair siya.

"Nag-shoot din kami out of the country.

"Pati yun, parang mayroon kaming flight ng 28 hours, 28 hours niyang suot yung hair extension niya, kasi nagsu-shoot kami kahit sa airport kaming dalawa.

"Ako rin, naka-makeup ako ng 28 hours. Yung physical changes, I think we really pushed it.

"I'm happy, natuwa ako na si JC, alam ko na inabala niya rin.

"Ang sarap magtrabaho pag alam mo ang mga katrabaho mo ganun din kaseryoso sa trabaho nila."

Kumita ang 100 Tula Para Kay Stella, may pressure kina Bela sa pagtatambal nilang muli ni JC?

Sagot ng aktres, "Like I said, kada pelikula naman, yung mga experience...

"Nung nag [Meet Me in] St. Gallen, tinanong kami kung nape-pressure kami kasi from the [same] producer of Kita Kita. 

"Heto naman, parang we're living up sa 100 Tula. I can honestly say each movie is a different experience.

"Nararamdaman kong pressure ngayon is last year kasi sa PPP, walang ibang entry na parang romance yung theme, while this year, ang dami.

"Mas dun yung pressure, ang dami naming movies na makakasabay na mayrooong theme na love.

"But like I said sa interview namin, we knew the pressure from the start.

"Nagsu-shooting palang kami, ramdam na namin.

"Iniba namin. Kung last year ginapang namin ang 100 Tula, ito parang ni-rock climbing namin ang movie na ito.

"We tried talaga the best that we can.

"I'm very proud of this, I've never seen the whole film, pero nung last shoting day pag-uwi ko, okay na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko na okay, makaka-invite ako ng tao sa premiere night. Isa siyang pelikula na mapa-proud ako."

May entry si Bela sa dalawang magkasunod na taon ng PPP. 

Kung siya raw ang masusunod, bawat taon ay gusto niyang may entry sa naturang film festival dahil dekalidad na mga pelikula ang ginagawa niya rito.

Aniya, "Sana, sana bigyan ako ng chance ng Viva every year.

"Tinatanong nila kanina anong feeling to be back, I think I can speak for JC and Direk Jason Paul [Laxamana], in behalf of them na it feels like a homecoming.

"Para kaming alumni 'tapos iba na yung batchmates namin this year, iba na yung mga nakikita naming artista.

"Ang sarap, sana magkaroon kami ng entry every year.

"PPP is one festival that we have right now that really gives fighting chance to movies, quality films.

"So sana I get offers to do quality films every year."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN