Meg Imperial on 'bullying' issue with Roxanne Barcelo: "I think they exaggerated the story already."

IMAGE Allan Sancon

Wala na raw problema sa pagitan nina Meg Imperial (nasa larawan) at Roxanne Barcelo. Maayos daw nilang natapos ang tabaho nila sa pelikulang Abay Girls, kasama sina Nathalie Hart, Kylie Verzosa, at Cristine Reyes.


Naging maayos daw ang takbo ng shooting ng pelikulang Abay Girls na ang karamihan sa mga mahahalagang eksena ay kinunan pa sa Bicol.

Ito ay sa kabila ng hindi pa rin matapus-tapos na isyu sa pagitan ng dalawang bida nitong sina Meg Imperial at Roxanne Barcelo.

Sa isang panayam kay Roxanne noong 2017, isiniwalat nitong may isang younger actress na nang-bully sa kanya nang magkasama sila sa isang show.

May mga nakapagsabing sources na ang tinutukoy raw ni Roxanne ay ang kapwa Viva artist nitong si Meg.

May katotohanan ba ang mga haka-haka na ito noon?

Depensa ni Meg, “I think they exaggerated the story already.

"Pero it’s not like that talaga na sobrang grabe, oo.”

Kumusta ang pagtatrabaho nila ni Roxanne sa pelikula dahil balitang hindi pa sila nagkakaayos?

Paglilinaw ni Meg, “We’re okay. We’re okay.

"Yung mga nababalita lang, it’s a misunderstanding.

"So when we were there na sa Bicol, we had, like, girl talk, of course.

“It’s clear, it’s like a misunderstanding.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Meg sa The Eddys 2018 Awards Night na ginanap sa The Theatre at Solaire, Parañaque City, noong Lunes ng gabi, July 9.


ABAY GIRLS. Nagkuwento rin si Meg tungkol sa Abay Girls.

Aniya, “Well, tapos na kami. Magpi-pictorial na lang kami.

"And then, I think naman, satisfied naman sila with the result nung shooting namin.

“It was really fun working with Cristine and others.”

Bukod kina Meg at Roxanne, kasama rin sa pelikula si Cristine Reyes, Nathalie Hart, at Kylie Verzosa.

Sabi pa ni Meg, mas nakilala nila ang isa’t isa noong nasa Bicol sila dahil naka-lock in sila sa lugar ng anim na araw.

“At first, kinilala pa namin the place, plus hindi naman kami sanay na magkakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But eventually, parang nag-sink na rin kaming lahat talaga nung nasa Bicol kami.

“Nung dito sa Manila, siyempre kapaan, per taping lang.

"But nung nandun na kami, every day kami nagkakasama kaya naging mas close.”


Stories We Are Tracking

Roxanne Barcelo reveals being bullied by a younger actress
Roxanne Barcelo reveals being bullied by a younger actress
Roxanne Barcelo says no bullying issue among <em>Wildflower</em> cast
Roxanne Barcelo says no bullying issue among Wildflower cast
Roxanne Barcelo details how she was bullied by an actress
Roxanne Barcelo details how she was bullied by an actress
Meg Imperial remains
Meg Imperial remains "civil" with Roxanne Barcelo


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN