Winwyn Marquez on trans women joining Miss Universe: "Sana ibigay na lang sa natural-born women."

IMAGE Bernie Franco

Reina Hispanoamericana Teresita Ssen "Winwyn" Marquez on trans women joining Miss Universe pageant: "I have nothing against transgenders. I'm really proud na sobrang happy, out na talaga, and everyone is respecting them, di ba? Pero Miss Universe per se, sana ibigay na lang sa natural-born women."


Hindi pabor si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen “Winwyn” Marquez na sumali ang trans women sa Miss Universe pageant.

Ito ay kasunod ng pagkapanalo ng trans woman na si Angela Ponce bilang Miss Universe Spain 2018 kamakailan.

Kapag pumayag ang Miss Universe Organization, si Angela ang magiging kinatawan ng Spain sa Miss Universe 2018.

Isa sa mga makakalaban niya ay ang kandidata ng Pilipinas ngayong taon na si Catriona Gray.

Nilinaw ni Winwyn wala siyang anumang isyu sa transgenders.

Pahayag ng 26-year-old Pinay beauty queen, “I love that Spain was really open na pinayagan talaga nila yung ganun.

“I have nothing against transgenders.

"I’m really proud na sobrang happy, out na talaga, and everyone is respecting them, di ba?

“Pero Miss Universe per se, sana ibigay na lang sa natural-born women.

"And then kasi, there is Miss International Queen, it’s a prestigious pageant also."

Ang Miss International Queen ay isang beauty pageant na eksklusibo para sa mga trans women.

Patuloy ni Winwyn, “And I think, parang let’s just give it for natural-born women, and for transgenders to have their own prestigious pageant. 

“It’s tradition for Miss Universe. Pero kung ia-allow naman ng Miss Universe Organization, then we should accept it also, walang problema.”

Wala pang official statement ang Miss Universe Organization kung pahihintulutan nilang makasali si Angela sa susunod na Miss Universe pageant.


Stories We Are Tracking

Trans woman wins Miss Universe Spain 2018
Trans woman wins Miss Universe Spain 2018
Catriona in favor of trans woman joining Miss Universe
Catriona in favor of trans woman joining Miss Universe

OPINION. Hindi ba nag-aalala si Winwyn na magalit sa kanya ang Latino, lalo pa’t ang napanalunan niyang korona ay kilalang pageant ng mga Latina?

Tugon dito ng Kapuso actress, “Everyone is entitled to her own opinion.

“Siyempre iba-iba naman ang opinyon ng tao.

“Kung ano man ang opinyon niya, kung gusto niyang sumali, we have to respect.

“And kung ayaw naman ng isa, we also have to respect that.

“It boils down to what will Miss Universe Organization do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If they accept, then we all have to accept it.

“Wala naman tayong power para sabihin sa Miss Universe kung ano ang gagawin, kung anong bawal at hindi.

"Sobrang bow ako sa mga transgenders kasi they are very proud of who they are, and there’s nothing wrong with it."

Pero diin ni Winwyn, “Let’s give Miss Universe to natural-born women.

“No disrespect at all.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang bloggers si Winwyn sa pictorial ng upcoming movie niya with Vhong Navarro, ang Unli Life ng Regal Entertainment, Inc., nitong Martes, July 10.

ON DOING COMEDY. Ang Unli Life ang unang pelikula ni Winwyn kung saan leading lady siya.

Wala naman daw isyu sa kanya na comedy ang kanyang kauna-unahang lead role.

“Open naman kasi ako kahit anong genere.

"Kahit anong ibigay, okay ako, hindi naman ako choosy or anything.

“Sabi ko nga, lahat ito opportunity. Lahat ito timing, sobrang galing ng timing,” pahayag niya.

Tampok din sa pelikula sina Joey Marquez, Ejay Falcon, Donna Cariaga, Jon Lucas, Isabelle de Leon, Alex Calleja, Kamille Filoteo, Red Ollero with James Caraan, Jun Sabayton, Anthony Andres, at Jun Urbano.

May secial participation naman sina Dimples Romana, Joem Bascon, Epi Quizon, at Jhong Hilario.

Ang Unli Life ay entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa August 15.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN