Atty. Gideon Peña assures Kris Aquino fans he has no ulterior motives

IMAGE Jimpy Anarcon

Atty. Gideon Peña to skeptic Kris Aquino fans: "Please refrain from making unfounded insinuations."


Tiniyak ng lawyer-professor na si Gideon Peña sa mga tagsuporta ni Kris Aquino na wala siyang motibong gamitin ang pagkakaibigan nila ng TV host-actress para pasukin ang pulitika o kaya ay paasahin ito.

Maingay ngayon ang pangalan ni Gideon dahil nali-link siya kay Kris.

Sa katunayan, si Gideon ang escort ni Kris sa premiere ng bagong pelikula ng huli na I Love You, Hater kagabi, July 10.

Subalit pagkaklaro ng dalawa, magkaibigan lamang sila.


Stories We Are Tracking

Atty. Gideon Peña
Atty. Gideon Peña "just good friends" with Kris Aquino
Kris Aquino escorted by Atty. Gideon Pena at premiere night
Kris Aquino escorted by Atty. Gideon Pena at premiere night

Sa Instagram, may ilang netizens ang sinagot ng Far Eastern University law graduate na nagbabala sa kanyang huwag paiyakin o gamitin ang TV host-actress.

Nagsimula ito sa isang recent post ni Gideon, kung saan nagkomento si Kris.

Mensahe ni Kris, “THANK YOU. Because of your genuine friendship I am a better version of me.”


Nagkomento naman ang isang netizen sa wikang Bicolano na ang ibig sabihin ay: "Ayusin mo manligaw at baka madisgrasya ka. Siguraduhin mong seryoso ka baka tirahin ka ng mga fans."

Sagot dito ng abugado: “We’re good friends. Please don’t over analyze…”

Sumagot din si Kris sa netizen at sinabing kaibigan niya si Gideon.

Dagdag pa ni Kris, “and I’ve got his back in the same way I’m definite he has mine.”


Dalawang linggo na ang nakalilipas, isang netizen ang nagkomento sa post ni Gideon.

Sinabi nitong sana raw ay walang motibo ang abugado na gamitin si Kris para pasukin ang pulitika. Mahirap daw magtiwala lalo na’t kilalang tao si Kris.

Depensa ni Gideon, marami nang nag-offer sa kanyang tumakbo pero tinatanggihan niya ang mga ito.

“Please refrain from making unfounded insinuations especially when @krisaquino has been such a good friend. Unless what is involved is a governmental policy of transcendental importance, be kind with your words.”


 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN