Ogie Alcasid stands up for wife Regine Velasquez after her message to Duterte about God

IMAGE Noel Orsal

Ogie Alcasid on wife Regine Velasquez's message to President Rodrigo Duterte about cursing God: "I will always defend the views of my wife with the love of God."


Nagpahayag ng suporta si Ogie Alcasid sa misis niyang si Regine Velasquez pagkatapos maglabas ng mensahe ng Asia's Songbird para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kaugnay ng diretsahang pagtuligsa ni Pangulong Duterte sa Diyos, na tinawag pa niyang "stupid God."

Sa mensahe ni Regine, na isang Christian, nakiusap siya sa Pangulo na huwag idamay ang Diyos sa usaping pulitika dahil hindi naman daw Ito namumulitika.

Gaya ng inaasahan, maraming netizens ang bumatikos kay Regine, partikular ang mga masugid na tagasuporta ng Pangulo.



Pero marami rin ang nagpakita ng suporta sa Kapuso singer-actress, at isa na rito ang asawang si Ogie.

Simple pero makahulugang tweet ni Ogie nitong Martes, July 10: "I will always defend the views of my wife with the love of God."

Ni-retweet din ni Ogie ang mensahe ng evangelist na si Brother Eddie Villanueva tungkol sa paghingi ng "sorry" ni Pangulong Duterte sa kanyang mga naging pahayag laban sa Diyos.

Ani Ogie, “Praise God!”

Malaki naman ang pasasalamat ng ibang netizens sa pagiging matapang daw ni Regine sa sinabi ng Pangulo ng bansa.




Stories We Are Tracking

Regine asks President Duterte to leave God out of politics
Regine asks President Duterte to leave God out of politics


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN