Andrea Torres patiently waits for the perfect guy: "Malay mo, makuha mo."

IMAGE Arniel Serato

Andrea Torres on her dream guy: "Importante yung humble, tsaka malapit sa pamilya, kasi ganun ako sa family ko, tsaka honest."


Wala raw love life ngayon ang Kapuso actress na si Andrea Torres.

Sa edad na 28, hindi naman daw nagmamadali si Andrea na makatagpo ng boyfriend.

Seryoso ngunit natatawa niyang sabi, “Wala pa, e! Wala talaga. Work muna. Tagal na talaga.

“Ano naman ako, e, hindi ko naman ugali maghanap.

“Okay naman ako mag-isa, pero kapag may dumarating siyempre, inaano ko rin, binibigyan ko rin ng pansin.

“Pero hinahanap ko yung spark, e. Wala, e, wala pa akong nakikitang ganun.

“Wala pa akong makitang may koneksiyon ako.”

Hindi lang kaya masyado siyang mapili sa mga nagpaparamdam sa kanya?

Pag-amin ni Andrea, “Why not, e, siyempre sabi nga nila, di ba, itaas na yung standards, yung pangarap mo, malay mo, makuha mo.

“Ano naman, naniniwala naman ako na mami-meet ko siya, yung perfect para sa akin.”

Ano ba ang mga hinahanap niya sa isang lalaki?

Saad ni Andrea, “Para ma-fall ako sa kanya?

"Importante yung humble, tsaka malapit sa pamilya, kasi ganun ako sa family ko, tsaka honest.

“Ganun lang naman, e. Para siyempre mas ginaganahan kang alagaan yung tao kapag sincere, honest, pinapahalagan ka din.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa red carpet ng The Eddys 2018 Awards Night noong Lunes, July 9, The Theatre at Solaire, Parañaque City.


VICTOR MAGTANGGOL. Excited naman si Andrea sa bago niyang teleserye sa GMA-7, ang Victor Magtanggol.

Gaganap siyang dyosa na gagabay sa karakter ni Alden Richards bilang title character.

Sasabak din si Andrea sa action scenes sa show.

“Sobra ko siyang na-enjoy [action scenes] at yung next ko yun ulit,” pakli niya.

Ayon pa kay Andrea, pinaghandaan nang husto ng produksiyon ang Victor Magtanggol kaya lahat daw sila ay inspirado sa taping.

“Naku, sobra-sobra talagang binonggahan nila lahat! Sobrang preparasyon.

“And makikita mo talagang very passionate sila dun sa script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Makikita mo naman sa script, e, kung parang inspired yung pagsusulat.

"At saka siyempre pinush na rin namin yung sa costume. Kinarir talaga.”

Masaya rin siyang makasama si Alden sa show dahil matagal na raw silang magkakilala.

“At saka nakasama ko na siya sa Wagas at sa commercial before nung nagsisimula pa lang kaming dalawa.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN