Jolo Revilla grateful to Coco Martin for reviving action genre

IMAGE Arniel Serato

Cavite Vice Governor Jolo Revilla on Coco Martin: "Kami ang dapat magpasalamat sa kanya dahil binubuhay niya ulit ang acton sa industriya ng pelikulang Pilipino at telebisyon. Aside from that, ang daming natutulungan niya na hindi lamang mga artista, kundi yung mga taong nagtatrabaho behind the camera."


Balik-telebisyon si Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa pamamagitan ng long-running ABS-CBN prime time series na FPJ's Ang Probinsyano.

Malaki ang utang na loob ni Coco sa pamilya Revilla, kaya ibinabalik lang daw nito ang pabor na ibinigay sa kanya ng pamilyang ito noong siya ay baguhan pa lamang sa bakuran ng Kapamilya network.

Ito ay nang ipagkatiwala sa kanya ang kuwento ni Tonyong Bayawak, na isa sa episodes ng Agimat series ni Ramon Revilla Sr., ang lolo ni Jolo.

Pahayag ni Jolo, “Nagpapasalamat din ako sa sumusuporta ng Ang Probinsyano kasi overwhelming ang resulta sa ratings. Nakakataba ng puso.

“Of course, nakakataba ng puso na makama si Coco dahil, unang-una, nagkasama na kami noon sa Agimat and that was ....

“Actually, kami ang dapat magpasalamat sa kanya dahil binubuhay niya ulit ang acton sa industriya ng pelikulang Pilipino at telebisyon.

“Aside from that, ang daming natutulungan niya na hindi lamang mga artista, kundi yung mga taong nagtatrabaho behind the camera.”

Muli rin daw nilang bubuhayin ang Imus Productions, para makatulong din siya sa pagbabalik ng action movies at maging sa telebisyon.

Sa katunayan, natapos na nila ang shooting ng Tres, isang trilogy movie na pagbibidahan ni Jolo at ng kanyang mga kapatid na sina Bryan at Luigi Revilla.

Nakausap ng ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolo sa The Eddys 2018 Awards Night na ginanap sa The Theatre, ng Solaire Resort & Casino, sa Parañaque City, noong July 9.

HIS FATHER'S RELEASE. Naitanong din ng PEP.ph kay Jolo ang balitang malaki ang posibilidad na mailabas na sa kulungan ang kanyang ama na si dating Senator Bong Revilla Jr.

Ano ang kanyang nararamdaman tungkol dito?

Aniya, “I don’t want to talk about his case so much, pero ako ay nagpapasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta para sa kanya, at nagdarasal para sa pamilya niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natutuwa ako dahil sa nangyari, continues prayers pa rin.”

Buong mag-anak daw ng Revilla ay hindi tumitigll sa pagdarasal din na makamit na ni Bong ang kalayaan na ilang taon na rin nitong hinihintay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN