MTRCB chief Rachel Arenas defends extra bonus, allowance of board members

IMAGE Allan Sancon

Ayon kay MTRCB Chairperson Rachel Arenas, nararapat lang makakuha ng karagdagang bonus at allowance and board members ng Movie and Television Review and Classification Board dahil karamihan daw sa mga ito ay nagbibiyahe pa mula sa malalayong lugar, at ang mga ito ang gumagastos ng sarili nilang pamasahe.


Wala raw nakikitang iregularidad si Rachel Arenas sa karagdagdang bonuses at allowances ng board members ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), ang ahensiya ng gobyerno na pinamumunuan niya.

Kaugnay ito ng pagkuwestiyon ng Commission on Audit (COA) sa P10.609M na natanggap ng board members ng MTRCB at ni Arenas noong taong 2017.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita si Arenas tungkol dito.

Pahayag niya, “Well, actually kasi, lahat naman po iyan is approved, it’s in General Appropriations Act [GAA].

“Every year, we do a… may budget hearing po kami wherein we defend our budget.

“It’s really the allowances of our board which they truly deserved.”

Dagdag ng MTRCB chair, “They go to work almost every day, they have reviewed hundreds of materials, and karapat-dapat lang naman nilang makuha ang allowance na yun.”

Ang iba raw sa board members ay galing pa sa probinsiya kung saan sarili nilang gastos ang kanilang pamasahe.

“And hindi rin naman ganun kalakihan.

"Some of them have to travel from Samar, from Davao, from the Visayas, from Iloilo, and from Bacolod.

"Hindi ang office ang nagbabayad ng kanilang travel expenses.

“Sila din ang nagbabayad.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si MTRCB Chair Arenas sa backstage ng The Eddys 2018 Awards Night noong Lunes, July 9, sa The Theatre at Solaire, Parañaque City.

FAMILY SUMMIT. Sa kabilang banda, masayang ibinahagi ni Arenas ang mga bagong programa ng MTRCB..

Lahad niya, “Aside na nagbago na lahat ng board members natin, we are doing for the first time our family summit in Visayas and in Mindanao this year.

“Kasi the past years, ang family summit is always in Metro Manila.

"So I  want to bring it to Visayas and Mindanao, lalo na po na 100 ang ating Philippine cinemas, and the first Filipino movie was shown in Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Plus, alam mo naman, kasama sa board member ko si Miss Gloria Sevilla, who is also a Cebuano, a very known batikang artista.

“And it would be nice for our Visayan brothers and sisters to feel how important the first film was shown.

“How important it is for us to go there because the first film was shown there.”

Dagdag ni Arenas, “Excited talaga ako sa family summit kasi gusto ko rin maramdaman ng mga tao na kami ang pumupunta sa kanila, lalo na ang pinag-uusapan ay pamilya, bata, child.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN