Liza Diño saddened by prevalent bashing mentality: "Every move you make, they're waiting for you na magkamali."

IMAGE Noel Orsal

Liza Diño tries to laugh off her recent issue involving a facial mask she wore during an office meeting. Despite this, the Film Development Council of the Philippines Chairman admitted that she was affected by the bashing and negative comments she received. "Every move you make, they're waiting for you na magkamali. So, nakakalungkot talaga."


Tawa nang tawa si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Liza Diño nang tanungin kung sinadya ba nitong gawing "maskara" ang tema ng ikalawang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Paliwanag niya, "Actually na-realize ko lang siya nung ipinakita na sa akin ang pinaka-final outline.

"Sabi ko, 'Oh my gosh, with all these things happening, baka akalain ng mga tao...'

"Pero if it helps PPP, bakit hindi?"

Ilang araw bago ang pag-anunsiyo sa official entries ng PPP, tumanggap ng kritisismo at negatibong reaksiyon si Liza dahil sa paggamit niya ng facial sheet mask habang nagmi-meeting kasama ang kanyang team.

Ipinaliwanag din ni Liza na kaya maskara ang napili nilang tema ay dahil gusto nilang ma-feature ang Visayan Islands, at isa sa kilalang festival dito ay ang Masskara Festival ng Bacolod.

Pero kung mayroon man daw siyang sinadya, ito ay ang pamimigay ng facial mask sa loot bags ng PPP.

Natatawa niyang pag-amin, "For your sense of humor, guys.

"I think it’s important for us to just laugh and always... alam naman ng mga tao ko iyan, sa amin wala yun."

Patuloy niya, “Pero siguro ganun talaga. Sa social media talaga, iba-iba ang interpretasyon, which I respect.

"But with FDCP, we’ll always be very unconventional with our ways.

"Mahirap maging masyadong parang gobyerno pagdating sa industry. 

"Alam naman nating napakakulay, napaka-diverse ng filmmakers na nakakasalamuha natin."

Hindi kaya dahil sa facial mask issue niya ay kuhanin na siyang endorser ng facial mask?

“Kahapon ko lang iyan binili, actually!” natatawang banggit niya.

“Sabi ko, 'You know, why don't we give them a facial mask just to end in a very happy note?'

“Let’s move on, you know… we’re all happy. 

“Actually, mahirap magsalita at mahirap magpa-meeting nang ganun.”

Ginanap ang announcement ng official entries ng PPP sa Sequoia Hotel, Timog, Quezon City, noong July 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SAD REALITY. Inamin ni Liza na naapektuhan din siya sa mga natanggap na pamba-bash at negatibong komento mula sa mga netizen.

Aniya, “Oo naman, siyempre alam niyo naman ang personality ko, medyo emotional akong tao.

“I was so grateful sa mga... parang yung post ko, para na siyang naging friendster.

"Parang naging testimonial siya ng mga taong nakatrabaho ko na.

“It feels so liberating, and ma-validate yung ginagawang trabaho ng FDCP.

"Dun sa mga nag-message sa akin ng support, sobrang salamat."

Nag-alala rin daw ang asawa niyang si Ice Seguerra dahil sa epekto ng bashing sa kanya. 

"Sa aming dalawa, siya kasi sanay na siya sa mga ganyan. Buong buhay niya, it’s his breakfast, lunch, and dinner.

"So, para makita niya na I’m going through the same thing, mas grabe pa siya, mas naapektuhan pa siya sa akin.

“Nakikita niya akong naaapektuhan.”

Nag-post din daw si Ice sa Facebook na nalulungkot ito. Pero gusto na raw nitong murahin sana ang mga namba-bash.

“Tinanggal din niya yata,” sambit ni Liza.

“Kasi siyempre tao pa rin tayo.

"Ang daling sabihin na huwag mong basahin, ignore.

"Pero kapag nandiyan sa harap mo, ang hirap talagang hindi pansinin.”

Sa dami na ng mga nagawa niya para sa industriya, sa isang simple o maliit na bagay, puwede na pala siyang sira-siraan o i-bash.

Pati ang trabaho niya ay nadamay dahil mayroong mga gusto siyang ipatanggal agad sa puwesto niya.

Saad niya, “Yun ang na-realize ko.

“Parang, ay, hindi na pala talaga siya puwedeng, 'I can just laugh at people whom I know or makakaintindi sa humor namin ni Ice.'

“Every move you make, they’re waiting for you na magkamali. So, nakakalungkot talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN