Kris Aquino on friendship with Vice Ganda: "Friends do grow apart..."

IMAGE Facebook (Vice Ganda) / Noel orsal

Kris Aquino clarifies she and Vice Ganda have no issue, but also says that friends sometimes do grow apart.


Walang isyu sa pagitan nina Kris Aquino at Vice Ganda.

Ito ang nilinaw ni Kris sa tanong ng isang netizen kung may “isyu” ba sa kanilang dalawa.

Nitong mga nakalipas na linggo, maraming netizens ang nagtatanong kung may alitan ba sa pagitan ng dating malapit na magkaibigan.

Bunsod na rin ito ng mga komento ni Kris na tila nagpapahiwatig na hindi sila okey ni Vice.


Stories We Are Tracking

Kris on Vice:
Kris on Vice: "Gugustuhin ba niya akong makatrabaho?"
Is Kris Aquino still friends with Vice, Boy, Ai-Ai?
Is Kris Aquino still friends with Vice, Boy, Ai-Ai?

Pero sa isinagawang question-and-answer session ni Kris via Instagram nitong Miyerkules, July 11, iginiit niyang wala silang isyu ni Vice.

Dugtong pa niya, “Friends do grow apart but there will always be a special bond.”


Kilalang matalik na magkaibigan sina Vice at Kris, lalo noong nasa bakuran pa ng ABS-CBN ang TV host-actress.

Kasabay ng pag-alis ni Kris sa dating home network, tila tumabang na rin ang pagkakaibigan nila ni Vice.

May isang netizen din ang nagtanong kay Kris kung sino ang pipiliin niya—si Vice o ang malapit ding kaibigan ni Kris na si Boy Abunda.

Pa-safe na tugon ng I Love You, Hater actress, “They are both proudly LGBT so y make me choose? You only choose between potential boyfriends not FRIENDS.”


Usisa pa ng isang netizen kay Kris, sino kina Vice at Ai-Ai delas Alas ang gusto niyang makatrabaho.

Makahulugang sagot ni Kris, “I don’t think they’ll choose to share the screen w/ me.”

Nagkasama na noon sina Kris, Vice, at Ai-Ai sa isang pelikula—ang Sisterakas (2012).


Isa rin si Ai-Ai sa kilalang close friend noon ni Kris, subalit nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila nang hindi nakadalo si Kris sa lamay ng ina ni Ai-Ai noong 2013.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN