Sue Ramirez reacts to Maris Racal-Loisa Andalio misunderstanding

IMAGE Noel Orsal

Sue Ramirez thinks social media causes a lot of misunderstandings among people, and sometimes even between friends, just like what happened to her fellow Kapamilya artists Maris Racal and Loisa Andalio. "Of course, when we say something on social media, people don't hear how we say it, people don't hear how we deliver it. Hindi talaga nila alam kung paano ang pagkaka-express natin sa sinabi natin, so isang malaking hindi pagkakaintindihan."


Naniniwala si Sue Ramirez na misunderstanding lang ang namagitan sa kanyang kapwa ABS-CBN stars na sina Maris Racal at Loisa Andalio, na pinalala lalo ng social media.

Ito ay kaugnay ng pag-amin ni Maris sa panayam sa kanya ng Tonight With Boy Abunda, na ang pagkukumpara at pag-aaway ng kani-kanilang mga tagahanga ang rason kung bakit nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila ni Loisa.

Dito rin sinabi ng Pinoy Big Brother ex-housemate na ang itinuturing niyang pinakamatalik na kaibigan ngayon sa industriya ay si Sue.

Pahayag ni Sue tungkol sa nangyari kina Maris at Loisa, "Ito nga yung sinasabi ko, yung friendship, hindi dapat idinadaan sa social media.

"It's more of being there, nandiyan kayo para sa isa't isa.

"I'm sure ganun din naman sila ni Loisa.

"Nagkataon lang na wala na silang gaanong oras para magkita. 

"Pareho silang may trabaho and magkaiba na yung mga work na ginagawa nila, so nami-misinterpret."

Dagdag pa ni Sue, "Yun ang pinakamalaking problema ng social media—it's a huge misunderstanding for everything.

"Ang dami ninyong lumilitaw na mga issues, lahat ay misunderstanding lang.

"Of course, when we say something on social media, people don't hear how we say it, people don't hear how we deliver it.

"Hindi talaga nila alam kung paano ang pagkaka-express natin sa sinabi natin, so isang malaking hindi pagkakaintindihan."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Sue sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) grand media launch and announcements of entries. 

Ginanap ito sa Sequoia Hotel sa Quezon City noong July 9.


Stories We Are Tracking

Maris Racal admits past misunderstanding with Loisa Andalio
Maris Racal admits past misunderstanding with Loisa Andalio
Loisa, Maris give reminders to their respective fans
Loisa, Maris give reminders to their respective fans

LESBIAN RUMOR. May ilang nagbigay ng kulay sa pagiging malapit nina Maris at Sue sa isa't isa.

Naparatangan pang lesbiyana si Sue lalo't nagpaigsi ito ng buhok.

Reaksyon niya, "Natatawa na lang kami ni Maris, pero siguro ganun talaga ang society, hindi na natin mababago yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, medyo nalulungkot din kasi parang ang baba na ng tingin ng mga tao.

"Hindi ko alam, e... Pag ang babae nagpagupit, pag ang babae nagbago ng hitsura, may pinagdadaanan, heartbroken, lesbian.

"Ang babaw na ng basehan natin sa pagkatao ng isang tao.

"Siguro yun lang ang pinaka-affected ako na part, not naman for me, but for the general public."

Ibinahagi rin ni Sue ang tunay na dahilan kung bakit siya nagpaiksi ng buhok.

"Actually, ito ang totoo, patay na ang buhok ko sa kakaplantsa, kakakulot.

"Hindi na kayang buhayin ng treatment, so kabaong na lang ang kulang sa kanya.

"Kaya napagdesisyunan ko na... matagal ko nang gustong magpagupit, na magpapaigsi talaga ako."


Stories We Are Tracking

Sue dismayed about lesbian tag because of her haircut
Sue dismayed about lesbian tag because of her haircut
Maris Racal calmly denies lesbianism accusation
Maris Racal calmly denies lesbianism accusation

PPP CONTENDER. Ang pelikula ni Sue na Ang Babaeng Allergic sa Wifi, kung saan katambal niya si Jameson Blake, ay isa sa 2018 PPP full-length entries.

Para sa Kapamilya actress, isang malaking karangalan ang makapasok ang pelikula nila sa PPP.

Saad niya, "Yung pelikula na ginawa namin, maipalabas lang at mapanood ng mga tao, malaking bagay na yun for us.

"But to be part of PPP, it's an even more better experience, kasi parang ito yung pista na sariling atin, e, yung pinapalabas sa lahat ng sinehan nationwide, lahat gawa ng Pinoy.

"Nakaka-proud na sa pangalawang PPP ay kasali yung pelikula ni Direk Jun [Lana] na Ang Babaeng Allergic sa Wifi."

Dagdag pa ni Sue, "It's a very wonderful movie.

"Ang daming emotions na ilalabas, [it will] bring out yung youth mo at ipapaalala sa iyo nung wala pang technology, nung di pa uso yung cell phone.

"Babalikan natin lahat iyan sa pelikula na ito, so excited talaga ako na mapanood ito."

Kamakailan ay nasangkot sa negative issue si Jameson dahil sa paghingi nito ng pabor sa graphic designers na ang kapalit ay isa lamang shout out o pagbati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito ay maraming nagalit at nang-bash sa Hashtags member.

Ipinagtanggol naman ni Sue ang kapareha.

Saad niya, "Minessage ko siya, I know that he doesn't have any bad intentions with what he said.

"Knowing Jameson, he is a very quiet guy. He's a very good guy, actually, very simple, tahimik lang yun palagi sa set. Bihira yun mag-input sa mga ganyan.

"Yun nga, misunderstading na naman, dahil hindi alam ng mga tao kung paano dineliver, kung paano sinabi.

"Malaking factor talaga choice of words siguro.

"Sana mag-intindihan na lang tayo, maghanap na lang tayo ng common ground kaysa nagbabanggaan tayo nang nagbabanggaan."


Stories We Are Tracking

Jameson Blake draws flak over
Jameson Blake draws flak over "shout out" as payment for art
Jameson Blake apologizes for free artwork request
Jameson Blake apologizes for free artwork request

OTHER ENTRIES. Kasali rin sa 2018 PPP ay ang The Day After Valentine's na pinagbibidahan naman nina Bela Padilla at JC Santos.

Katuald ng Ang Babaeng Allergic sa Wifi ay love story rin ang tema nito.

Hindi ba kinakabahan si Sue na baka mas tangkilikin ang pelikulang ito kaysa sa pinagbibidaha niyang pelikula?

Sagot niya, "Actually sa PPP, nakakatuwa kasi first time kong makasali dito.

"Nakakatuwa kasi wala akong nakikitang competition at all, walang competition sa environment na ito.

"It's just filmmakers trying to show the people yung art na ginagawa nila, lahat kami naa-appreciate namin yung ginagawa ng isa't isa.

"I don't think na may makakabangga kami or whatever, magkaiba naman kasi ng genre.

"Medyo close lang pero it's very different."

Maikukunsidera ba ni Sue na may allergy na siya sa social media dahil sa ilang issues na naikabit sa kanya?

Tugon niya, "Sana, pero hindi naman, pero not literally.

"But sometimes I can be and sometimes it's nice to stay away from social media, to stay away from online world, and just go back to the world that we live in talaga.

"Walang fake news, wala kang mababasang fake na mga accounts, wala kang makikitang bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga tao lang sa paligid mo na nagmamahal sa iyo, parang ang sarap lang talaga niyang balikan, magpahinga muna sa social media."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN