Gerald Anderson still recovering from hamstring injury; looks forward to playing against Xian Lim at MPBL

IMAGE Nerisa Almo

There's no stopping Gerald Anderson from playing at Maharlika Pilipinas Basketball League even if he's about to start taping a new teleserye. He says, "Tuloy pa rin, siyempre. Kumbaga, isa yun sa mga motivations para mas galingan ang mga aspeto sa buhay ko kasi alam ko na matutupad ang isa sa mga pangarap ko."


“Ito na ang pinakamahirap na parte ng buhay ko.”

Ganito inilarawan ni Gerald Anderson ang nalalapit na pagsasabay ng paggawa niya ng bagong teleserye at paglalaro para sa koponan ng Marikina Shoemasters sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Pero tila hindi magpapatinag si Gerald sa hamon na ito at handang-handang siyang pagsabayin ang dalawa.

“Tuloy pa rin [ang MPBL], siyempre.

“Kumbaga, isa yun sa mga motivations para mas galingan ang mga aspeto sa buhay ko, kasi alam ko na matutupad ang isa sa mga pangarap ko,” sabi ni Gerald nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung itutuloy pa rin niya ang paglalaro ng basketball kahit may teleserye na siya.

Sa ngayon, hindi pa siya opisyal na nakalalaro dahil nagkaroon siya ng hamstring injury habang nagpa-practice kasama ang kanyang teammates.

Gayunman, napakasaya pa rin ng pakiramdam ng celebrity athlete dahil makakasama niyang makalaro ang ibang professional basketball players.

“Iba talaga. Kahit hindi pa ako nakalaro, siyempre nagpa-practice ako. Sa practice nangyari pa yung injury.

“Pero iba yung [feeling] kasi, siyempre, ang pinakapangarap ko talaga is maging basketbolista talaga.

“The fact na nangyayari siya, I have the opportunity para maglaro, sobrang thankful lang ako.

“Sa practice pa lang, sa paggaling ng mga injury, ibinibigay ko yung best ko kasi gusto ko nang maglaro, e.

“Gusto ko nang makatungtong ng support.”

Umaasa si Gerald na makasama na sa laro ng Marikina Shoemasters sa Lunes, July 16, kung walang conflict sa schedule niya ng taping.

PLAYING AGAINST XIAN LIM. Bukod kay Gerald, naglalaro rin sa MPBL ang kapwa niya Kapamilya actor na si Xian Lim, na bahagi naman ng koponang Mandaluyong El Tigre.

Handa kaya si Gerald sa posibleng paghaharap ng teams nila ni Xian sa MPBL?

“Malakas yung Mandaluyong,” sagot ni Gerald.

“Nandun din sina Ray Parks. Basta malakas, ang sarap din makalaro yung mga iyan as a team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kami, ang focus ng Marikina, yung team, malayo pa iyan, e.

“Ang pinakaimportante is kung sino yung kasunod muna.”

Katulad niya, lubos din daw natutuwa si Xian sa pagiging bahagi ng naturang basketball league.

Ayon kay Gerald, “Napag-usapan namin sa isang event na nagkita kami, bago pa [mag-start yung league].

“Siyempre kami, artista kami, it's a different world, iba yung disiplina. Doon pa lang, nae-excite na kami.

“Ang okay sa kanya kasi nakapaglaro na. Ako, nagkataon na na-injure.

“Pero ganun talaga, I just have to be patient.”

Nakausap ng PEP.ph at iba pang reporters si Gerald sa launch ng Skechers Performance Run 2018 ngayong Huwebes, July 12.

Isa si Gerald sa mga celebrity na lalahok sa naturang running event na gaganapin sa SM Mall of Asia complex sa August 5.

STAR MAGIC ALL-STAR BASKETBALL GAME. Bukod sa MPBL, pinaghahandaan na rin daw ni Gerald at ng kanyang Kapamilya teammates ang annual Star Magic All-Star Basketball sa susunod na buwan.

Tinanong ng PEP.ph kung ano ang ini-expect niya para sa kanyang team ngayong taon.

Sagot ni Gerald nang nakangiti, “Manalo. Ganun lang kasimple, manalo.

“Kaya lang din naman tayo naglalaro para mag-entertain ng fans at para sa camaraderie.

“Pero at the end of the day, gusto ng lahat ay manalo.”

Noong nakaraang taon, nagkaroon ng kontrobersiya ang Star Magic All-Star Basketball nang nagkahamunan ang team captain ng kalabang team ng Team Gerald, si Daniel Padilla, at dating Kapamilya star na si Paul Salas.


Stories We Are Tracking

Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel speaks up on heated Twitter exchange with Paul
Daniel speaks up on heated Twitter exchange with Paul
Paul Salas apologizes for
Paul Salas apologizes for "trash talking" Daniel Padilla
Gerald Anderson excited about Daniel-Paul basketball match
Gerald Anderson excited about Daniel-Paul basketball match

Hindi kaya muling madawit sa kontrobersiya ang Star Magic All-Star Basketball?

Sagot ni Gerald, “Wala namang controversies. Kung anuman yung mangyari, lahat naman magkakaibigan, e.

“Sobrang suwerte lang namin, sa team ko at sa kabilang team, ang suwerte lang naming lahat na nakakagawa kami ng ganitong laro para sa mga tao at saka sa amin.

“At the end of the day, maging grateful na lang kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN