Rocco Nacino regrets unfollowing Sanya Lopez on IG; opens up about relationship with Melissa Gohing

IMAGE Instagram / Allan Sancon

Rocco Nacino explains decision to unfollow onscreen partner Sanya Lopez (right) and delete their photos on Instagram. The Kapuso actor says it's his way of showing respect to his relationship with volleyball player Melissa Gohing (left).


Ang pagkikita at batian nina Rocco Nacino at Sanya Lopez sa The Eddys Awards 2018 sa The Theatre at Solaire, noong Lunes, July 9, ay isang patunay na walang hindi pagkakaunawaan ang dating magkapareha.

Bago kasi ito ay kumalat ang usap-usapang may tampuhan ang dalawa dahil in-unfriend ni Rocco si Sanya sa Instagram, at binura rin ng aktor ang mga larawan nilang magkasama.

Ito ay bilang pagrespeto raw ni Rocco sa relasyon nila ng professional volleyball player na si Melissa Gohing.

Iginiit ni Rocco sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa The Eddys Awards na maayos ang kanilang samahan ni Sanya.

“Okey naman kami ni Sanya,” paniniyak ng Kapuso actor sa amin.


Paglilinaw pa ni Rocco sa kanyang desisyong i-unfriend si Sanya sa Instagram, “Hindi maiiwasan na may mga bashers and, even ako naman, every day nagkakaroon ng basher. 

“Siguro, on that certain day, ako ay parang napuno na sa mga sunud-sunod na pamba-bash.

“Sa tingin ko, yun ang naging paraan ko para, kumbaga, coping mechanism sa pangyayari.

“Pero I regret din, e. Hindi naman kailangan mag-unfollow ng isang tao.

“After nun, sinabihan ko naman si Sanya and she’s very understanding naman.

“And even on her side, agree naman siya na kahit masaya ka, kahit ginagawa mo trabaho mo, siguradong may mga bashers pa rin.

“At siguro kailangan mo i-hone mo lang kung paano mo iha-handle yung mga ganyan.”


Stories We Are Tracking

Rocco unfollows Sanya on IG; netizen blames his girlfriend
Rocco unfollows Sanya on IG; netizen blames his girlfriend

ROCCO’S GIRLFRIEND. Gaano ka-special sa kanya si Melissa?

Mabilis na sagot ni Rocco, “Very, very…

“One is naiintindihan niya ako, naiintindihan niya ang career ko, naiintindihan niya yung trabaho ko, and naiintindihan namin ang sports na isang bagay na talagang malapit sa puso namin.

“Kaya siguro yun ang nagpa-stand out sa kanya kung paano siya ka-independent, hardworking, lalo na as pro athlete na talagang nakita kong special na qualities sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Proud of you, Champ! Congratulations on a well deserved win! @coolsmashers

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

Nagpaliwanag si Rocco kung bakit pinili niyang ibahagi sa publiko ang relasyon nila ni Melissa kaysa itago ito at gawing pribado.

Saad ng 31-year-old actor, “I guess it was just about time na talagang isa siyang tanging tao na ipinagmamalaki ko. 

“It was one of the way para ipakita na espesyal siya sa akin.

“Pero at the same time, may respeto kami sa trabaho ng isa’t isa kaya understanding was always the key para maging successful yung relationship.

“It was about time talaga. Wala namang rason para itago, e. 

“Lahat naman supportive. Ang importante, understanding ang lahat, at kami, nakakapagtrabaho nang maayos.”

Pero hindi raw naging mabilis ang naging desisyon nina Rocco at Melissa na ilantad sa publiko ang kanilang relasyon.

Dagdag ng StarStruck alumnus, “Kung paano at bakit, hindi ko na siguro sasabihin kung ano pa. 

“The good thing was maraming yumakap sa pagiging open namin at nakakatuwa marami ang naging masaya. 

“Nagulat nga ako, e. Pag may times na nanonood ako ng games niya, marami akong natatanggap na tweets na ‘Oy, nandiyan siya.’

“So I’m happy na masaya yung volleyball community.”

Paano niya inaalagaan ang relasyon nila ngayon ni Melissa para hindi ito matulad sa mga nagwakas niyang relasyon?

Ayon kay Rocco, “Siguro pag-uusap lang palagi. Saka yung pagiging open.

“Hindi ako nahihiya ngayon sa pag-open ng mga bagay tungkol sa akin. 

“Dati kasi, ayoko talagang pag-usapan, e, yung mga bagay na… hindi pala dapat ganun.

"So, pag talagang espesyal sa iyo ang tao, hindi ka takot na i-open iyang mga flaws mo, mga bagay na ayaw mo at gusto mo.

“Malaking bagay pala yun at natutunan ko yun through this relationship.”

UNITY. Ibinahagi rin ni Rocco sa PEP.ph ang identical tattoos nila sa binti ni Melissa.

Holding hands= Unity. ????

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

“Supposed to be, ang tattoo na yun, magkasama ang dalawang tao representing unity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ‘Ihiwalay na lang natin, tig-isa tayo.’

“Malaking bagay, kasi matagal na naming gustong umakyat ng Kalinga para magpa-tattoo kay Whang-od.

“Pero on my birthday, saktong may nakita kaming tattoo artist na tigadoon na mambabatok din.

"'Tapos ipinagawa namin iyan to symbolize the unity that we have para ma-remind kami na strong kami together."

Kung pagbabasehan ang Instagram posts nina Rocco at Melissa, parang matagal nang tumakbo ang kanilang relasyon.

Pero ayon kay Rocco, hindi pa sila nakaka-isang taon.

“Hindi pa, months pa lang.

“Hindi ko mabilang kasi hindi naman namin sini-celebrate monthly, e…

“So, matagal-tagal na rin. It’s been fruitful.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN