Winwyn Marquez clarifies statement about trans women joining Miss Universe

IMAGE Bernie Franco

Teresita Ssen "Winwyn" Marquez on trans women joining Miss Universe pageant: "If pasasalihin talaga, then I have no problem with it and we all have to accept and respect yung decision, kahit iba ang opinion ko."


Nilinaw ni Reina Hispanoamerican 2017 Teresita Ssen “Winwyn” Marquez ang kanyang pahayag tungkol sa posibilidad na maging kandidata ng Miss Universe ang isang trans woman.

Malaking usapin ngayon sa pageant community ang pagkapanalo ni Angela Ponce, isang trans woman, bilang Miss Universe Spain 2018 noong June.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na nailathala noong July 11, sinabi ni Winwyn na bagamat wala siyang anumang isyu sa transgenders, sana ay ibigay na lang daw sa "natural-born women" ang pagsali sa Miss Universe.

Pero kung papayagan naman daw ito ng Miss Universe Organization ay kailangan din nating tanggapin.

Dahil sa opinyon ng Reina Hispanoamericana 2017 sa usaping ito, may ilang netizens na binatikos siya.


Stories We Are Tracking

Winwyn not in favor of trans women joining Miss Universe
Winwyn not in favor of trans women joining Miss Universe

Ngayong Biyernes ng tanghali, July 13, naglabas ng opisyal na pahayag si Winwyn upang linawin ang kanyang naunang pahayag tungkol sa pagsali ng trans women sa Miss Universe.

Bahagi ng pahayag ng 26-year-old beauty queen-actress, “I said I would prefer that Miss U would have natural-born women, but I will support Angela and the Miss U org in any endeavor they choose to commit themselves to.

“If pasasalihin talaga, then I have no problem with it and we all have to accept and respect yung decision, kahit iba ang opinion ko.”

Ani Winwyn, nang imbitahan ang Pilipinas sa Reina Hispanoamericana (RHA), hindi lahat ay sumang-ayon.

“Yung ibang hindi sang-ayon nung sumali ako pero rinespeto pa din nila ang decision ng org at RINESPETO din nila ako at hindi binastos.”

Paglilinaw pa niya, “I am proud of the LGBTQ movement and how far they’ve come.

“Napakarami kong kaibigan na members ng LGBTQ.

“It’s good to have discussion on this topic and I encourage more people to come out with their opinion whether pro or against.

“Sana lang, basahin natin nang maayos ang kumpletong sagot. At sana wag nalang tayo mambastos at mag-name calling.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WINWYN SLAMS BASHER. Kahapon, July 12, may sinagot na netizen si Winwyn tungkol sa isyung ito.

Ayon sa Instagram user na si @korfilmlover, marami raw na-offend sa sinabi ni Winwyn at hindi raw siya open-minded.

Sumagot dito si Winwyn dahil tila headline lang daw ang binasa ng netizen at hindi na binasa ang buong artikulo.

Buwelta ng actress-beauty-queen, "open minded people respects other people's opinion. So ano tawag sayo?

"nagisip ka ba bago mag-comment sa page ko?

"did you miss the part na saludo ako sa mga transwoman dahil hindi sila takot ipakita kung sino sila at ibahagi ang story nila kaya mataas ang respeto ko sa kanila

"AT kung sa MU 2018 pageant makasali sila dahil walang problema sa MUO then wala din problema sakin kasi marunong ako rumespeto sa desisyon ng ibang tao kahit iba ang opinion ko."


May nagsabi namang netizen na dahil sa hindi pagpabor ni Winwyn na sumali ang trans women sa Miss Universe, dapat din ay ibigay na lang sa mga Latina ang Reina Hispanoamericana pageant.

Depensa naman ni Winwyn, ang organization ng Reina Hispanoamericana ang nag-imbita sa Pilipinas.



Si Winwyn ang kauna-unahang Pilipina na sumali at nanalo sa Reina Hispanoamericana na dinodomina ng mga Latino.

Samantala, maraming netizens ang nagpahayag ng suporta kay Winwyn. 





ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN