Grace Lee dismisses connection between her hiatus and end of PNoy administration

IMAGE Rose Garcia

Grace Lee on relationship with former President Noynoy Aquino: "Hindi ko masasabing magkaibigan kami, but we're okay... Wala namang masamang nangyari sa amin. Amicable relationship. Okay na yun, for now. It's a chapter in my life that can be remembered fondly."


Nilinaw ng TV personality na si Grace Lee na walang kinalaman sa pagtatapos ng administrasyong Benigno "Noynoy" Aquino III noong 2016 ang pansamantala niyang pagkawala sa sirkulasyon.

Noong nasa puwesto pa si dating Pangulong Aquino ay naugnay siya romantically kay Grace, ngunit hindi ito nauwi sa totohanang relasyon.

Natatawang sabi ni Grace tungkol sa kanyang pagpapahinga mula sa telebisyon at sa pagtatapos ng termino ni PNoy, “Kayo naman, naghahanap kayo ng connect. 

“Six years na, ha! Move on din pag may time. 

“Kayo talaga!”

Hindi kasi siya nakakausap ng press nung ma-link sila ng dating Pangulo.

“Grabe yun… nagtago nga ako sa inyo!

“Muntik na akong lumayas pabalik ng Korea!” natatawang biro ni Grace.

Pag-amin niya, naapektuhan talaga siya ng mga isyu sa kanila ni PNoy.

Saad ni Grace, “Yung time na yun kasi, hindi ako sanay na pinag-uusapan ang private life ko. 

“Sanay ako na pinag-uusapan ang ginagawa ko sa harap ng TV, pero yung private life ko, hindi ako sanay.

“At saka hindi ako sanay na front page ako ng tabloids.”

At may mga sumusunud-sunod sa kanya?

“Di ba nga, nagtago talaga ako?

“Nagpunta ako ng Singapore. Nagtago ako dun ng mga isang linggo. Dinala ko ang sister ko.

“But of course, I had to come back for work, but that was a long time ago.”


Stories We Are Tracking

TV personality Grace Lee denies dating President Noynoy Aquino
TV personality Grace Lee denies dating President Noynoy Aquino
<strong>(UPDATED)</strong> President Noynoy Aquino admits he and TV personality Grace Lee are
(UPDATED) President Noynoy Aquino admits he and TV personality Grace Lee are "seeing each other"
Grace Lee asks for
Grace Lee asks for "time and space" in getting to know PNoy; says the President woos a girl just like any other man
Grace Lee on President Noynoy Aquino:
Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."

Posible raw iba ang naging reaksiyon ni Grace sa sitwasyon kung yung nangyari iyon sa edad niya ngayon.

“Ayoko nang sabihin ang age ko, but six years ago, I was very young. 

“And meron din akong mga bagay na iniisip ko ngayon.

“Maybe, I could have reacted better.

“Pero at that time, I was more immature.

“Siyempre, all of these experiences teach you a lesson.

“I’m a better person, I believe, because of what happened.

“It all turned out for the best.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Grace nang pumirma siya ng kontrata sa Viva Artists Agency, sa Vive office, sa Tektite Building sa Ortigas City.

FOND MEMORIES. Para kay Grace, “fond memories” ang bahaging iyon ng kanyang buhay.

Saad pa niya, “Actually, kahit nga sa Korean press, kasi naggi-guesting ako sa Korea ngayon.

“So I started to be more active on TV with Korea first before I started with Philippines again.

“Sa Korea, mas lalong… parang ano pa rin sila, mas hang up sa issue na yun.

“Kasi at least dito, nakita niyo pa ako after ng issue na tuluy-tuloy.”

Paano niya sinasagot ang Korean press?

“Tawa-tawa lang ako. ‘Tapos sabi ko, ‘Kayo naman, move on.’”

Magkaibigan pa rin ba sila ng dating Pangulo?

“We’re amicable,” sambit niya.

“Hindi ko masasabing magkaibigan kami, but we’re okay.”

May komunikasyon pa rin sila?

“No, pero siguro kung magkita kami, hi and hello. 

“Wala namang masamang nangyari sa amin.

“Amicable relationship. Okay na yun, for now.

“It’s a chapter in my life that can be remembered fondly.”


Stories We Are Tracking

Is Grace Lee open to dating PNoy again?
Is Grace Lee open to dating PNoy again?

STATUS: SINGLE. Sa ngayon, single daw siya at walang karelasyon.

“Super tagal na akong single. Basta matagal na akong single!” natawang sabi niya.

Pero sabi nga ni Grace, matagal naman na siyang ready kung sakali.

Kuwento niya, “Actually, you know, my friends and I, I’ve always thought that I would be the first one to get married. 

“Kasi ang nickname ko sa mga barkada ko, Mommy.

“Maano ako, maalaga ako sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko, sa mga minamahal ko. 

"I cook for them. I really take care of them, and they used to call me 'Mom.'

“Palagi nilang sinasabi na, 'Alam mo, Grace, ikaw siguro ang mauunang mag-aasawa sa amin.'

"Guess what, ako na lang ang hindi nag-aasawa!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Grace, "In perfect time."

Baka naman kasi mataas ang standard niya sa pagpili ng lalaking makakarelasyon? O, kailangan ba nasa mataas na posisyon?

“Grabe naman!” natawang sabi niya.

“Alam niyo ako, kahit na tanungin niyo ang mga kaibigan ko, hindi mataas ang standard ko. 

"Pero hindi ko alam kung bakit ako single.

“But you know, I really believe that there’s one person for you. 

"Maybe I just have to meet that person. 

"Ako ngayon, there’s peace in my heart.

“Hindi ako yung sobrang naghahanap or yung talagang meron akong deadline na kailangan mag-asawa ako ng ganitong time, wala naman.

“I’m at peace,” pagdidiin niya.

OUT OF LIMELIGHT. Ipinaliwanag din ni Grace kung bakit nawala siya sa sirkulasyon ng halos dalawang taon.

“Actually, ang plano ko talaga, six months lang na mawala. Mag-break, mag-travel. 

“Pero naging one and a half year kasi nagbukas ako ng mga restaurants, which I always wanted to do.

“It’s called KoKo. Meron na kaming anim na branches at magbubukas pa kami ng anim this year. 

“So that kept me really busy.”

Nag-set up din daw siya ng entertainment company kunsaan may opisina sila sa Japan, South Korea, China, Vietnam, Cambodia, Hong Kong, Singapore, Malaysia, at Indonesia. 

Ayon pa kay Grace, “Ako ang representative ng Philippine head office.

"It’s Cenits. Yung sister company namin, sa Korea.

“I’ve set it up and we’ve been partnering with Viva and, siyempre, mas expertise ng Viva ang Philippine market, and Boss Vic has been really leading me, teaching me, I’ve been grateful to him.

“Ang unang proyekto namin, lalabas this year.”

Dugtong pa niya, “Actually, hindi ko alam kung ano ang mas exciting sa akin.

“Yung project namin as company owner and producer or bilang isang talent.”

Pumirma ng kontrata si Grace sa Viva para maging isa sa mga bagong talent ng Viva Artists Agency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I will be under VIVA,” lahad ni Grace.

“For the past years, Viva has been leading me and my company as partners. But this time, I’m signing a talent contract.”

Tuluy-tuloy pa rin daw ang hosting niya. Pero hindi pa raw niya alam ang kung ano ang magiging plano sa kanya ng Viva.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN