Benjamin Alves impressed by Zoren Legaspi's physique

IMAGE @benxalves on Instagram (left) / @zoren_legaspi on Instagram (right)

Benjamin Alves hopes to be as fit as Zoren Legaspi when he reaches his co-star's age.


Hindi inakala ng Kapuso actor na si Benjamin Alves na makakalaban niya sa pagiging hunk sa teleserye na Kapag Nahati Ang Puso ay ang aktor na si Zoren Legaspi.

Bilib na bilib si Benjamin kay Zoren kung paano nito alagaan ang sarili at hindi raw nakakapagtaka na mabigyan ito ng maraming eksena na kailangang shirtless ito.

“When I was reading the script, maraming mga shirtless scenes.

“Akala ko mga scenes ko iyon. Pero the scenes were for Nico which is Zoren’s character. My character’s name is Joaquin.

“I thought na pinagpalit na yung name namin ni Zoren.

“When I asked about it, para pala talaga kay Zoren yung mga shirtless scenes na iyon.

“I said ‘Wow! Gagawin itong lahat ni Zoren? Astig!’

“Sa totoo lang, Zoren is in great shape. He really worked hard to maintain that physique.

“I hope to still be physically fit when I reach that certain age in my life,” pahayag pa ni Benjamin tungkol sa kanyang 46-year-old Kapag Nahati Ang Puso co-star nung presscon ng nabanggit na show last July 6 sa GMA Network Center.

SHIRTLESS COOKING. Hindi rin naman magpapatalo si Benjamin kung pagandahan din lang ng katawan.

Bago magsimula sa taping ng teleserye, binago ni Benjamin ang kanyang diet at workout para sa kanyang gagampanang character.

 “Joaquin is a hard worker. Hindi siya mayaman and sanay siya sa kahit na anong mabibigay na trabaho.

“In the teleserye, I play a driver to Sunshine Cruz and at the same time, mekaniko ako dito.

“Kaya physically, batak na batak ang katawan niya.

“So I went to being lean, but muscular. Yung defined ang mga muscles niya sa katawan.

“Akala ko nga sumobra ang payat ko. But when I saw the scenes noong first taping day ko, okey naman pala. Bagay sa character ko,” diin ni Benjamin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagnasaan tuloy si Benjamin ng maraming netizens nang i-post niya sa social media ang isang scene sa teleserye kunsaan shirtless siya habang nagluluto.

Nakakuha ng 13,000 likes ang naturang photo at base sa comments, mas tinitigan daw nila ang mga abs ni Benjamin imbes sa niluluto niya.

“Medyo na-awkward ako sa scene iyon when we were taping it.

“Never ko pa kasing nagawang magluto nang walang shirt.

“Binigyan naman nila ako ng apron, pero kailangan daw medyo kita ang abs ko.

“So parang wala ring use yung apron, ‘di ba? Kaya tinali ko na lang yung apron sa waist ko and we shot the scene.

“I know for a fact when I posted the photo on Facebook and Instagram, no one was interested sa ano ang niluluto ko!” tawa pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN