Sunshine Cruz wants to be a licensed psychiatrist

IMAGE Noel Orsal

Sunshine Cruz reveals her plans to study psychology: "Nagkaroon ako ng interest sa psychology dahil na rin sa behavior ng mga taong nasa paligid ko. I want to know kung bakit nagbabago ang isang tao. I want to learn about human behavior. Lalo na dito sa showbiz, marami akong magiging pasyente!"


Hindi inaasahan ng aktres na si Sunshine Cruz na magiging bida pa siya sa isang teleserye sa edad niyang 41 anyos.

Noong mag-comeback siya sa pag-arte noong 2013 pagkatapos niyang makipaghiwalay sa mister niyang si Cesar Montano, puro mga supporting roles ang ginagawa niya sa mga teleserye.

Ngayon, sa kanyang pagbalik sa GMA-7, bida siya kasama ang Kapuso teen actress na si Bea Binene sa teleseryeng Kapag Nahati Ang Puso.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sunshine sa media launch ng Kapag Nahati Ang Puso noong nakaraang July 6 sa GMA Network Center, maayos daw niyang naipaalam sa ABS-CBN na may tinanggap siyang teleserye sa GMA-7.

“Hindi naman ako ang klase ng tao na basta na lang aalis.

“Maayos po ang pagpapaalam ko sa mga tao sa ABS-CBN.

“Dumating kasi ang opportunity na maging bida ulit po tayo, kaya I grabbed it at wala naman akong bagong show pa sa kabila.

“Hindi naman po ako exclusive sa ABS-CBN.

“Nataon lang na nagkasunud-sunod ang naging shows ko doon.

“Noong i-offer naman sa akin ito ng GMA-7, natuwa ako kasi chance ko nang makabalik sa unang naging tahanan ko noong nagsisimula ako sa showbiz,” lahad niya.

Ang That’s Entertainment ang unang TV show ni Sunshine sa GMA-7.

Nagkaroon din siya ng pagkakataonng maging isa sa mga co-hosts ni German Moreno sa GMA Supershow at pati na rin sa Eat Bulaga.

Lumabas din si Sunshine sa teleserye ng TAPE Inc. na Valiente at isa siya sa original na cast ng Bubble Gang.

GRATEFUL TO ABS-CBN. Dagdag ni Sunshine, malaki ang tinatanaw niyang utang na loob sa ABS-CBN dahil ito ang unang nag-alok ng trabaho sa kanya noong magbalik-showbiz siya.

“Nabuhay ko po nang maayos ang tatlong anak ko dahil sa mga ginawa kong projects with ABS-CBN .

“Tatanawin kong malaking utang na loob ko iyon sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But as a single working parent, kailangan hindi po ako nawawalan ng trabaho.

“Since non-exclusive ako with them, puwede akong tumanggap ng work kahit saan.

“Matagal nang may offer ang GMA-7 sa akin, parati lang may nauuna sa kanila.

“Pero this time, natanggap ko na ang offer nila at tamang-tama dahil pasukan na naman ng mga kids sa school.

“Malaking tulong ito for me,” pagpapasalamat niya.

BLESSINGS. Sunud-sunod nga ang blessings na dumarating kay Sunshine ngayong taon. 

Bukod sa bagong teleserye, may dalawang pelikula siyang ginagawa at may mga endorsements pa siya.

Kaya wala raw panahon ang aktres na i-entertain ang mga negative vibes.

“Gano’n naman, di ba?

“Kapag happy ka, may mga darating na negative forces para sirain ang positive vibes mo.

“Noon, apektado ako. Iniinda ko talaga ang mga yan.

“Pero ngayon, hindi na.

“Natuto akong maging strong dahil na rin sa mga taong nakapaligid sa akin na nagbibigay ng mga positive advice.

“I learned to be strong because of the strong women sa buhay ko.

“That includes my mother, my sisters, my daughters, my friends and my co-workers.

“Kapag napapaligiran ka ng mga tamang tao, maganda ang outlook mo sa buhay araw-araw,” diin pa niya.

STILL LOOKING FIT AND FAB. Isa nga sa hinahanggan kay Sunshine ng maraming millennials ngayon ay kung paano niya alagaan ang kanyang katawan.

Base sa hitsura niya, masasabing tila daig pa niya sa pagiging sexy ang ibang teen-agers ngayon.

“It’s flattering kapag may naririnig ka or nababasa sa social media na they want to have a body like mine; na kahit tatlo na ang naging anak, walang nabago sa katawan ko.

“Sa totoo lang, it takes hard work din.

“Though naturally slim ako, kailangan ko pa ring i-tone ang muscles ko kasi nga nagkakaedad na tayo.

“My daily workout routine is boxing and zumba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasama na ang konting pabuhat-buhat sa gym. 'Tapos, may stretching and konting yoga.

“Natutunan ko tagal ko sa showbiz na puhunan naming mga artista ang hitsura namin.

“Kaya kailangan physically maalaga kami para hindi kami nawawalan ng work at nagiging inspiration kami sa mga kabataan ngayon,” pagmamalaki niya.

HIGHER EDUCATION. Pagkatapos niyang maka-graduate sa kursong BA Psychology sa Arellano University, nasa plano rin ni Shine na kumuha ng Master's degree.

“Mag-iipon muna ako para ma-afford ko yung pagma-Master.

“Nagkaroon ako ng interest sa psychology dahil na rin sa behavior ng mga taong nasa paligid ko.

“I want to know kung bakit nagbabago ang isang tao. I want to learn about human behavior.

“Gusto ko talagang magkaroon ng sarili kong clinic at maging certified licensed psychiatrist ako balang-araw.

“Lalo na dito sa showbiz, marami akong magiging pasyente!

“Maraming akong kilalang paiba-iba ng ugali at iyon ang gusto kong hanapan ng mga sagot,” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN