Jewel Mische gives birth to baby girl

IMAGE @mischejewel on Instagram

Jewel Mische took to Instagram last Friday, July 13, to announce the birth of her baby girl. She married Alister Kurzer last 2015.


Baby girl ang isinilang ng former StarStruck winner na si Jewel Mische noong nakaraang July 13.

Sa post ni Jewel sa kanyang Instagram account, ipinakita niya ang 3D ultrasound photo ng baby girl nila ng kanyang American husband na si Alister Kurzer.

Heto ang caption ni Jewel:

“The last 24 hours have been quite an experience.. and #BGK has graced us with her presence this morning... *CAN’T WAIT TO SHARE!* But I hope this view from my womb serves as a sneak peak for the meantime (can you tell how much of a charmer she is already?) We’ve never been so in love.. and just soaking up baby snuggles at the moment.. #weloveyoutoo!!”

2015 nang magpakasal sa U.S. si Jewel kay Alister at tuluyan na niyang tinalikuran ang showbiz para sa tahimik na buhay sa Amerika.

Noong 2006 ay sumali si Jewel sa reality artista search ng GMA-7 na StarStruck 4. Napanalunan ang titulo na Ultimate Sweetheart.

Mga co-winners ni Jewel sa naturang contest sina Aljur Abrenica (Ultimate Hunk) at sina Kris Bernal at Martin Escudero (Ultimate Loveteam).

Ang ibang ka-batch pa ni Jewel na aktibo pa rin sa showbiz ay sina Paulo Avelino, Prince Stefan, Jan Manual at Rich Asuncion.

Noong mag-expire ang kontrata niya sa GMA-7 noong 2010, lumipat ito sa ABS-CBN.

Bago kinasal si Jewel, na-link ito romantically kina Paulo Avelino at Richard Gutierrez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN