Jolo Revilla, Rhian Ramos respond to netizen asking about "real score" between them

IMAGE @jolo_revilla on Instagram

Rhian Ramos and Jolo Revilla laugh off question of netizen about their "real score."


Idinaan nina Jolo Revilla at Rhian Ramos sa biruan ang sagot nila sa isang netizen na nagtatanong sa diumano'y ugnayan nilang dalawa.

Sa pamamagitan ng question feature ng Instagram stories, nagtanong ang netizen na si @cbinasa kay Jolo kung ano ang "real score" nila ni Rhian.

Tanong ng netizen, "What's the real score between you and Rhian?"

Sa sagot naman ni Jolo ay tinag niya si Rhian at sinabing, "Ikaw na nga sumagot @whianwamos"

May kasamang tumatawang emoji ang sagot ng 30-year-old actor.


Ni-repost naman ito ni Rhian sa kanyang Instagram story at dinaan sa biro ang kanyang sagot.

Saad niya, "Huwaw! Score lang ng score!"

Ang sagot naman ni Rhian ay may kasamang tatlong palakpak at isang bola ng basketball na emojis.


Ipinost itong muli ni Jolo sa kanyang stories at sinabing, "ayan na sumagot na... whaaaaaaat?"


Una nang pinabulaanan ni Rhian ang usap-usapang may kinalaman si Jolo sa paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend na si Jason Choachuy.

Sa naunang "Ask me a question" session naman ng aktor sa Instagram stories noong July 12 ay tinawanan lang din ni Jolo ang tanong ng isa pang netizen tungkol sa kanila ni Rhian at nilinaw na sila ay "good friends."

Ang dalawa ay magkatrabaho sa "72 Hours" episode ng pelikulang Tres.

Samantala, vocal naman si Jolo sa pagsasabing mahal pa niya ang ex-girlfriend na si Jodi Sta. Maria.


Stories We Are Tracking

Jolo on Jodi:
Jolo on Jodi: "She brought out the best in me."
Rhian Ramos laughs off rumors linking her to JM, Jolo
Rhian Ramos laughs off rumors linking her to JM, Jolo
Jolo Revilla still loves Jodi Sta. Maria despite breakup
Jolo Revilla still loves Jodi Sta. Maria despite breakup
Jolo confirms being in a
Jolo confirms being in a "difficult situation" with Jodi


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN