Gabby Eigenmann admits convincing sister Andi to be a Kapuso: "Matagal na."

IMAGE File

Gabby Eigenmann explains why he doesn't want younger sister Andi Eigenmann to totally turn her back on her showbiz career: "Nami-miss ko si Andi na nagtatrabaho sa una niyang minahal. She loves acting, e."


Matagal-tagal na ring nababalita na posibleng maging Kapuso na si Andi Eigenmann, sa kabila ng deretsahang pag-amin nito na hindi siya nagdalawang-isip na talikuran ang kanyang showbiz career para sa mas tahimik na pamumuhay sa Baler, Aurora.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang ang nakatatandang kapatid ni Andi, ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann, sa taping ng Contessa kamakailan lang.

Naganap ang taping sa isang clubhouse sa Malabon City.

Mabilis naman ang naging sagot ni Gabby na gusto niyang maging isang ganap na Kapuso si Andi tulad niya.

Deklara niya, “Gusto ko.”

Dahil ba mas mababantayan niya ang kapatid?

Pagklar niya, “No, hindi sa mababantayan.

“She’s of age na, e.

“Kaka-birthday niya lang.

“Ang sa akin lang, I want her to work.

“For me, hindi ko puwedeng akuin na nami-miss ng mga tao si Andi Eigenmann sa industriya.

“Ayokong isipin na ganun.

“Ayokong i-claim na ganun.

“Baka mamaya, mas gusto nila na, 'Sige, hayaan mo na lang si Andi na wala sa showbiz.'

“Pero nami-miss ko si Andi na nagtatrabaho sa una niyang minahal.

“She loves acting, e.

“Pero now that her passion is surfing, being on an island, mermaid nga kasi siya in real life.”

Dugtong pa niya, “'Okay, do your thing.'

“'Pero at the end of the day, how will you support yourself, your daughter?'

“'Sige, nandiyan ang tatay.'”

HELPING HIS SISTER. Nakuwento rin ni Gabby na dahil sa hilig ni Andi sa beach, bumili na raw ito ng lupa sa isang isla.

“Bumili ng lupa sa Baler.

“Pero gagawin niyang business yun, parang Airbnb.

“Sabi ko, 'Sige… pero don’t you miss working?'

“Nami-miss naman daw niya.

“Kaya yung opportunity niya na mag-guest sa Celebrity Bluff, that was the start.

“Freelancer na siya but she’s still under VIVA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga offer naman daw ang GMA-7 kay Andi na mga guesting.

Pero natawa ito dahil sabi raw ng kapatid, hindi nagtutugma sa mga “schedules” niya.

Ang “schedule” na tintutukoy ni Andy ay mga "ganap" nito sa beach.

“Kaya sabi ko, 'Ikaw…'

“'Pero kung regular show, hindi naman sa may say ako na tutulungan kita riyan.'

“Pero to help her out, to back her up.”

“WHEN SHE'S READY.” Inamin ni Gabby na matagal na raw niyang gustong maging Kapuso ang kapatid.

Aniya, “Matagal na.

“Actually, noong ang lahat ng Eigenmann nasa GMA—from Geoff, Ryan, Tita Cherie, Tito Mike [Michael de Mesa], siya lang ang natira sa ABS.

“Si Timmy [Sid Lucero] nandito. Nandito lahat, e.

“Siyempre, freelance naman sila.

“Ngayon, naglapitan lahat doon.

“Si Andi pa rin ang nag-stay.

“So sabi ko, what could have been, what if nandito tayong lahat, magkaroon ng creative mind ang GMA.

“It’s not far from Cebu or Bisperas ng Kasaysayan na lahat ng Eigenmann nandoon.

“It could be a movie, it could be a soap. Pero yun nga.”

Ang Cebu (1992) at Bisperas ng Kasaysayan (1994) ay mga TV mini-series ng RPN-9 na tinampukan ng halos lahat ng miyembro ng Pamilya Eigenmann.

Siyempre pa rin, sa bandang huli, alam daw niyang si Andi lang din ang may “say” sa career nito.

“Hindi ko call yan, e.

“Siguro when she’s ready, it could be here or it could be there.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN