Kristoffer Martin apologizes for misleading tweets on Barbie Imperial physical-abuse issue

IMAGE @kristoffermartin_ on Instagram

Kristoffer Martin apologizes to netizens for his tweets last night, July 14, related to Barbie Imperial's physical-abuse issue.


Nagpaliwanag ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin tungkol sa kanyang mga naging tweets noong Sabado, July 14.

Ito ay pagkatapos iugnay ng ilang fans ang tweets niya sa diumano'y insidente ng physical abuse na nangyari sa ABS-CBN actress na si Barbie Imperial.

Nag-post si Barbie kahapon sa kanyang Instagram ng photos ng kanyang dibdib at brasong may mga pasa, pero binura rin ito pagkatapos ng ilang oras.

Pinaniniwalaan ng fans na ang rumored ex-boyfriend ni Barbie na si Paul Salas ang diumano'y nanakit kay Barbie.

Naniniwala rin ang fans na si Paul ang pinatutungkulan ni Barbie sa kanyang deleted tweet kunsaan sinabi niyang, "Girls, just because mahal mo ang isang tao pero sinasaktan kayo physically, hindi pwedeng patuloy yan.

"HINDI TAMA MANAKIT NG BABAE PHYSICALLY."

Sa mga naging tweets naman ni Kristoffer kagabi, tila naka-address ito sa isang tao na sinabihan niyang, "Wag dumating sa point na maninira ka ng buhay ng tao" at "There’s always two sides of the story."

May binanggit din si Kristoffer sa kanyang tweet na "HINDI SINAKTAN."

Base sa tweets ni Kristoffer, nag-assume ang fans na si Barbie ang pinapatamaan nito.

Narito ang kabuuan ng tweets ni Kristoffer, na nailathala na sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago niya ito na-delete:

"Wag dumating sa point na maninira ka ng buhay ng tao. Kung totoo man o hindi yung nangyari, problema niyo yan. Di kailangan ipaalam sa buong mundo para kumuha ng sympathy.

"There's always two sides of the story. Mga naapektuhan wag pavictim.

"Wala ako sa lugar para ielaborate yung nangyari. Iisang circle kami. Pero nasa lugar ako maglabas ng saloobin kasi may nadedehado.

"HINDI SINAKTAN. Ayan capslock para mapansin. Antayin niyo statement na lalabas. Tawanan ko kayo after."

Wala mang pinangalanan ang aktor sa kanyang tweets, agad na iniugnay ito ng ilang netizens at fans sa pangyayari dahil alam nilang malapit na magkaibigan sina Kristoffer at Paul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base kasi sa tweets ni Kristoffer kagabi, lumalabas na ipinagtatanggol niya si Paul mula sa mga akusasyon ng physical abuse laban sa kanya.

Sa tweet naman ni Kristoffer ngayong gabi, July 15, humingi ng paumanhin ang Victor Magtanggol actor sa mga na-"mislead" sa kanyang naging tweets kagabi.

Saad niya, "I see where people are coming from. Some took it a little far kaya lumaki.

"I DON’T TOLERATE PHYSICAL ABUSE.

"Sorry if na mislead yung iba.

"Ni girlfriend ko kahit kelan di ko naisipang saktan.

"Naapektuhan lang ako bilang kapatid.

"Not my story to tell. Again, sorry."

Isang netizen naman ang nag-reply sa tweet ni Kristoffer at tinanong siya, "d sudden change boy?"

Reply naman ni Kristoffer, "Kasi nahimasmasan ako. And narealize ko na nakakamislead nga yung tweets ko. Pasensya po."

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang nagsasalita o nagbibigay ng statement mula sa kampo nina Barbie at Paul tungkol sa mga pangyayari.

Bukas ang PEP.ph sa maaaring ihayag nina Barbie, Paul, at Kristoffer tungkol sa isyung ito.


Stories We Are Tracking

Barbie Imperial deletes posts about physical abuse
Barbie Imperial deletes posts about physical abuse


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN