Zanjoe Marudo keeps mum about rumored relationship with Josie Prendergast

IMAGE Instagram

Zanjoe Marudo on rumored relationship with Josie Prendergast: "Actually, wala pa akong maise-share dahil, unang-una, bago pa lang kami magkakilala. And then, nakakahiya rin na nada-drag yung name niya."


Maingat ang Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo sa pagbibigay ng pahagay tungkol sa napapabalitang relasyon nila ng 19-year-old model-surfer na si Josie Prendergast.

Saad niya, “Masyadong ano, e… masyadong maraming nag-a-assume.

“Actually, wala pa akong maise-share dahil, unang-una, bago pa lang kami magkakilala.

“And then, nakakahiya rin na nada-drag yung name niya.

“Private na tao siya, e, so gusto kong respetuhin.”

Iwas din si Zanjoe nang tanungin kung may plano siyang ligawan o may mas malalim na relasyon na sila ni Josie.

“Sa ngayon, wala pa akong masasabi. Pag meron na!” natatawa niyang sabi.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoe sa presscon ng pelikulang Kusina Kings sa 9501 Restaurant, sa ABS-CBN compound, noong Sabado, July 14.


Stories We Are Tracking

Is Zanjoe Marudo dating surfer-model Josie Prendergast?
Is Zanjoe Marudo dating surfer-model Josie Prendergast?
Zanjoe confirms
Zanjoe confirms "getting-to-know" stage with surfer-model

BIRTHDAY BOY. Magdiriwang ng kanyang 36th birthday si Zanjoe sa July 23.

Pero wala raw siyang pinaplanong anumang selebrasyon.  

Trabaho pa rin daw si Zanjoe sa mismong kaarawan niya.

Nagkataon din na premiere night ng pelikula nila ni Empoy Marquez.

“Meron yata kaming dalawang premiere nights.

“So, hindi ako makakapag-celebrate ngayon ng birthday ko,” sabi ng aktor.         

Kung sakaling may oras o break siya, gusto raw talagang magbakasyon ni Zanjoe.

“Actually, naghahanap ako ng break na puwede kahit mga five days lang, at least, makapagbakasyon.

“Siguro out of the country o dito lang sa Pilipinas.”

Ano naman ang birthday wish niya?

“Okay na ako, e,” sambit ni Zanjoe.

“Kuntento na ako sa kung ano ang meron ako ngayon.

“Thankful na lang ako sa lahat ng mga… alam mo yun, ang dami pa ring projects, ang dami pa ring nakaabang, ang dami pa ring naniniwala.

“So, actually, kuntento na ako kung anumang meron ako ngayon.”

Maraming “naughty lines” o may “double meaning” na jokes na ginamit sa Kusina Kings. Sa trailer pa lang ay napapanood na ito.

Mabuti at wala silang naging problema sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Zanjoe, “Yung mga eksena namin, totoo naman siya, e.

“Nasa tao na lang kung mag-iisip ng kabastusan sa mga dialogues.

"Like, yung nagbabate, nagbabate naman siya talaga ng itlog, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN